Isang kapapasok na naman na balita ang aming ihahatid sa inyo. Ito ay ng ang Philippine Air Force ayon sa pambansang pahayagan ay naghahanda para sa pagkuha ng Heavy Lift Helicopters.
Maaalalang makailang beses na rin natin itong naibalita, Kung saan, ayon na rin sa Pambansang Pahayagan, ang Departamento ng Depensa ng Bansa, sa tulong ng Technical Working Group na nag mumula pa sa hanay ng Philippine Air Force, ay nag simula ng magsaliksik bago mag simula ang taon, para sa paghahanap ng Heavy Lift Helicopter na nababagay sa bansa.
Ayon sa Technical Working Group, kinakailangan na ang Heavy Lift Helicopter ay may kakayahang makapag sakay, ng malaking bilang ng kargamento at grupo ng mga sundalo. Na tulad nalang ng CH-47, na gawa ng bansa mula kanluran, ang nasabing CH-47 ay kayang makapag sakay ng higit pa sa 10,000 kilo ng kargamento at sundalo.
Matapos nga ng nasabing pagsasaliksik, ayon na rin sa report ng Pambansang Pahayagan, lumalabas na ang sinasabing Heavy Lift Helicopter, na malaki ang posibilidad na mapili, ay walang iba, kundi ang CH-47 twin-engine Heavy Lift Helicopter na gawa ng Boeing, o mas kilala sa tawag na Chinook Helicopter.
Inaaasahan naman, na sa mga susunod nating balita patungkol sa pagkuha ng heavy lift helicopters, ay makakakuha tayo ng mas malinaw na detalye kung ilan at kailan makararating ang nasabing acquisition.
No comments:
Post a Comment