Monday, October 18, 2021

T129 Attack Helicopter Kailan Makararating Sa Pilipinas?

Kamusta, isa na namang panibagong balita ang muli naming ihahatid sa inyo. Naaalala nyo pa ba yung Attack Helicopter na binili natin sa bansang Turkey?. Kailan nga ba makararating ang nasabing helicopter sa bansa at ilang piraso ito.

Maaalalang nitong nakaraan nating mga video, ay naglabas tayo ng pahayag patungkol sa samu't saring mga problemang kinaharap ng Depensa ng Pilipinas para sa pag kuha ng Attack Helicopter na gawa sa bansang Turkey, At isa nga dito ng hadlangan ng Estados Unidos ang pagkuha natin ng makinang ginagamit sa nasabing Attack Helicopter, ng kalaunan naman ay pumayag rin.

Kung saan sumunod nga nito ay inihayag naman ng Pambansang Pahayagan, na ayon nga sa kanila, makararating anya ang unang batch ng dalawang piraso na parte ng kabuuang anim na T129 Attack Helicopter, sa buwan ng Septiyembre Taong kasalukuyan. na kung mapapansin ay mukhang lumampas na sa schedule ang pag dating nito.

Di kaya imbes na sa Septiyembre Taong kasalukuyan, ay  Septiyembre ng susunod na taon ito makararating?. Bagama't wala paring malinaw na paliwanag ang Pambansang Pahayagan sa kanilang report nitong May 25, 2021, ay umaasa pa rin na magkakaroon tayo ng balita mula sa kanila.

Ang nasabing Attack Helicopters ay nabili ng bansa sa Turkish Aerospace industries mula sa government to government na pag-uusap, Kung saan tumatagin ting na 12 Bilyon at 9 na Milyong Pisong (PHP 12.9 Billion) halaga, para sa anim na piraso ng T129 Attack Helicopters.

No comments:

Post a Comment