Kamusta, lubos kaming humihingi ng paumanhin sa mga nakaraang video namin, ito ay matapos nga na lumabas ang isang balita ng limang blackhawk helicopters kung saan nagkaroon ito ng acceptance and blessing nitong Miyerkules sa Clark Air base, kung saan ang mga detalye ng isang pahayagan ay mukhang nagkamali ng pagkakalathala. kaya naman, ito nagdulot ng pag kalito patungkol sa kung ito na nga ba ang huling batch o ang ikalawang batch ng s70i blackhawks.
Makikita sa aming mga nakaraang video na ang huli o bubuo sa 16 pirasong Blackhawk na binili mula sa bansang Poland ay lumabas sa isang pambansang pahayagan na nakarating na. ito ay matapos nga na kanilang ipinahayag nung Miyerkules, na masmaagang nakarating sa bansa ang 16 units na blackhawks na binili mula sa bansang poland.
Nguni't ng lumaon, nakapagtatakang nagbago ang statement nila, matapos nga ng kinabukasan ay muli naming sinilip ang detalye ng kanila balita, at dito nga namin napansin, na nagkaroon nga ng pagbabago ang kanilang pahayag, patungkol sa naganap na acceptance and blessing.
Ayon sa kanilang binagong pahayag, ang limang blackhawks na namataan sa nasabing event ay ang 2nd batch o ang ikalawang delivery na ng 16 units na binili ng Pilipinas sa Bansang Poland, at hindi ang huling o ikatlong batch ng delivery na una nilang ipinihayag. Lumalabas na ang kabuuang bilang ng blackhawks ng Pilipinas ay 10 piraso na, dapat ay 11 piraso, ito ay matapos na mabawasan ng isa dahil sa di inaasahang aksidente.
Kung kaya't matapos nga ng mga kaganapan, ang mga video na aming inilabas nitong mga nakaraang araw ay nagkaroon ng kalituhan sa mga viewers. dahil dito, lubos kaming humihingi ng paumanhin, sa kabila nga ng pati ang aming pinagkuhanang source na nagmula sa pambansang pahayagan, ay nagkamali rin.
No comments:
Post a Comment