Saturday, October 16, 2021

Bilang ng S70i Black Hawk Helicopters ng Pilipinas Ibinulgar

Kamusta mga katoto, kamakailan lang naibalita natin ang tungkol sa dumating na S70i Blackhawks. Kung saan ilan sa ating mga  viewer, ang nalilito kung ito nga ba ang huling batch na bubuo sa 16 na pirasong Blackhawks na binili natin sa bansang Poland.

Matatandaan na ang unang batch na bumibiling na limang piraso na s70i blackhawks ay nakarating sa bansa nitong nakaraang Nobyembre ng nakaraang taon (2020) sakay ng Antonov An-124 Ruslan Startegic Airlifter. at ang ikalawa o second batch naman ng delivery ay dumating ng Hunyo ng taong kasalukuyan (2021). Habang ang Huling batch ayon narin sa ibinalita ng Philippine News Agency, mas maaga naideliver ang ikatlo at huli batch na bubuo sa 16 units na binili ng Pilipinas mula sa Bansang Poland.

Kapansin pansin naman ang isang Footage na maaaring magbigay ng liwanag patungkol sa maagang pagdating ng ikatlong batch ng s70i Blackhawks, halinatan panuorin.

Makikita rin mula pahayag ng kalihim ng depensa ng bansa, na inilabas mismo sa Philippine News Agency, kung saan pinatunayan nito na ang kabuuang bilang ng S70i Blackhawks na meron na tayo sa ngayon, ay lumalabas na labing lima na, kung di lang dahil sa di inaaasahang aksidente na nagresulta ng pagkalagas ng isa nitong blackhawk. Kaya namana ang kabuuang bilang ng Blackhawk Helcopter na inaasahan sana na makakarating ng buong buo sa bansa ay 16 piraso.


No comments:

Post a Comment