Isa na namang kapapasok na balita ang muli naming ihahatid sa inyo. Ang Departamento ng Depensa ng bansa ay nagpahayag na ang na acquire na higit kumulang 16 pirasong S70i Blackhawks na gawa sa bansang Poland ay kumpleto na.
Ito ay matapos nga na mamataan mismo ang kalihim na nasa isang seremonya ng pagpapala at pagtannggap, kung saan 5 pirasong S70i Blackhawk at 4 pirasong ScanEagle UAS ang nakatakda na opisyal na mapabilang sa Hukbong Panghimpapawid ng Pilipinas.
Anya, ang pagdating n Ikatlo at huling Batch ng Limang S70i Blackhawks ay mas maaga sa orihinal na delivery schedule nito, Kung saan ito ay nakaschedule sa katapusan ng taon ito (2020), kaya naman nakakagulat ng dumating ang nasabing Blackhawks nitong Miyerkules ng Oktubre 13, taong kasalukuyan (2021).
Matatandaan na ang First Batch o ang kauna unahang delivery ng nasabing S70i Blackhawk na gawa sa Poland, ay unang beses nating nasilayan nuong Nubyembre 2020, kung saan ito ay bumibilang ng anim na piraso. Habang ang Second Batch o ang sumunod na ikalawang delivery, ay nuong Hunyo ng taong kasalukuyan kung saan may bilang itong limang piraso.
Ang kabuuang halaga ng na Acquired na S70i Blackhawks Helicopter at tumatagin ting na 11.5 bilyong piso (PHP11.5 billion).
Habang ang ScanEagle naman UAS o Unmanned Aerial System na kasama ring namataan sa nasabing event, ay naggaling naman sa Estados Unidos, kung saan ito ay sa turned over kasama ang limang Blackhawks Helicopters.
Matapos nga na nakumpleto ang S70i Blackhawk Helicopter ayon na rin sa Kalihim ng Departamento ng Depensa ng bansa na walang iba kundi si Secretary Delfin Lorenzana, karagdagan pang 16 na pirasong S70i Blackhawk mula sa bansang Poland ang inaasahang makukuha para sa Hukbong Pang Himpapawid ng Pilipinas. Kung saan ang magiging kabuuang bilang ng Blackhawk ng bansa ay aabut na ng 32 piraso sakali mang makarating ito sa bansa.
No comments:
Post a Comment