Isa na namang magandang balita ang aming ihahatid sa inyo... Ayon sa ating Source, Ang Philippine Air Force ay napagdisisyunan na ipagpatuloy ang naantalang pag kuha ng karagdagang 12 pirasong Multi Role Fighter Jets.
Maaalalang ang programa ay nagsimula pa nung taong 2020 kung saan tinatayang higit kumulang isang dosenang Multi Role Fighter ang inaaasahang mapapasakamay ng pilipinas sa taong ito (2021) o di kaya naman ay sa susunod na taon (2022).
Ngunit sa di inaasahang pag kakataon, isang nakamamatay na pandemya ang nanalasa sa buong mundo, kung saan maging ang Pilipinas ay di pinaligtas nito. Kaya naman ang hukbong sandatahang lakas, ay kasama na gumawa ng paraan para makatulong na mapigilan ang pagkalat ng nasabing nakakamamatay na pandemya (COVID-19 Pandemic).
Kung saan ito nga ay sa pamamagitan ng pagtapyas ng kanilang pondo na nagkakahalaga ng 17 bilyong piso (PHP 17 Billion). Ang nabawas na pondo ay nauwi sa pag bili ng mga kakailanganin na kagamitan, serbisyo at imprastraktura, para labanan ang COVID-19 na pandemya. Kaya naman ang kabuuang 61.2 bilyong piso (PHP 61.2 Billion)na halaga ng pondo pambili ng nasabing mga Jet Fighters ay nabawasan, kung kaya't dahil dito, ang programa ay labas na naapektuhan kaya naman pansamantala muna itong inihinto.
Ngunit sa kabila nga nito, ang Departamento ng Depensa ng Pilipinas ay umaasa na ma aprubahan ng kongreso ang kanilang request na muling maibalik ang nabawas na pondong pambili sana ng Multi Role Fighter sa susunod na taon (2020).
No comments:
Post a Comment