Isa na namang panibagong balita ang aming ihahatid sa inyo. Ito ng matapos nga na mamataan ang di bababa sa 70 military trucks na makakikitang magkakasunod na nakaparada sa isang parke.
Anya, ang nasabing military trucks ay ang bagong bili ng Philippine Army nito mula sa isa sa bansa sa asia. Sinasabing ito ay nag umpisang bilhin ng nagkaroon ng Public Bidding nitong nakaraang taon (2020). Kung saan ang kontrata ay napanalunan naman ng isang kumpanya na kilala na gumagawa ng Military Trucks mula sa Bansang China.
Ang Acquisition ay binubuo ng 49 units ng Light Troop Carriers, 18 units ng Medium Troop Carriers at 3 units ng Field Ambulances. kung saan higit kumalang 70 pirasong kabuuang military trucks ay napanalunan local supplier na Jinyi Import and Export Trading Co. Inc.
Habang ang Philippine Army naman ay kinumpirma na ang namataang trucks ay ang mga nasabing Military Trucks gawa mula nga sa Bansang China kung saan ito ay ideliver mula pa nakaraang Hulyo ng taong kasalukuyan (2021).
Ang 49 Light Troop Carriers ay ang modelo na Beijing Auto Works BJ2022 light trucks, at ang 18 units na Medium Troop Carriers ay ang Dongfeng EQ1093 medium trucks, habang ang 3 Field Ambulances ay ang Sinotruk Howo light duty trucks.
Inaaasahan naman anya, na ang mga nasabing kabibili lang na mga bagong military trucks na gawa sa bansang China ay malaki ang maiaambag sa pag papalalakas at pagpapaunlad ng kakayahan ng Hukbong Katihan ng Pilipinas.
No comments:
Post a Comment