Isang na namang kapapasok na balita, Kauna-unahang locally made Satellites ngayon ay pinakawalan sa kalawankan.
Ayon mismo sa ating pinagkakatiwalaan source, Ang kauna-unahang Satellites na gawa sa pinas kung saan nagngangalang Maya-3 at Maya-4 ay successful na nailaunch nitong Miyerkules Oktubre 6 taong kasalukuyan, matapos nga ng ito ay pakawalang sa kalawakan ng ISS o International Space Station sa altitude na 400 na kilometro.
Matatandaan nitong Agosto 29 taong kasalukuyan ang nasabing dalawang satelites na gawang pilipino sakay ng Dragon C208 spacecraft na nakakabit sa SpaceX Falcon 9 rocket’s, ay lumipad sa kalawakan patungo sa destinasyon nito, Kung saan successful naman itong nakarating sa ISS o International Space Station nitong Agosto 30 taong kasalukuyan.
Ang Maya-3 at Maya-4 ay binuo sa ilalim ng Space Science and Technology Proliferation mula sa University Partnerships, kung saan ito ay pinondohan ng Department of Science and Technology o(DOST).
Ang bawat isang Satelite ay may bigat na 1.15 Kg kung saan dimension ang nito ay 10 cubic cm, idinesenyo ito bilang isang nanosatellite based na may data collection systems at optical imaging. dinibelop ang nasabing Satellites para masubukan ang teknolohiya na maaaring gamitin sa various sectors na tulad na lang sa larangan ng agrikultura, environment and natural resources, disaster risk reduction and management at iba pa.
No comments:
Post a Comment