Isa na namang kapapasok na balita ang aming ihahandog sa inyo. Ito ay matapos na mamataan ang isang imahe na nagpapakita ng mga tauhan ng Hukbong Dagat ng Pilipinas na para bang may pinag aaral o di kaya naman ay may inaayos sa isa sa barkong pandigma ng Pilipinas.
Ang nasabing vessel ay walang iba kundi ang BRP Jose Rizal FF-150. makikitang ang mga mandaragat ng nasabing Missile Frigate ay nagkaroon ng isang pagsasanay, na kung saan makikitang patuloy na hinahasa ang kanilang kaaalaman para matutunan ang pasikot sikot ng iba't ibang klaseng armamentong makikita sa loob ng nasabing modernong barko.
Kung inyong mapapansin isa sa mga mandaragat ay may hawak na isang maliit na missile. ito ay ang MBDA Mistral Simbad-RC twin launchers na isa sa dalawang missile weapons na makakabit sa magkabilang gilid ng BRP Jose Rizal FF-150, na makikita rin ito sa kapatid nitong BRP Antonio Luna FF-151. Anya, maykaliitan man ang sukat nito ngunit masasabing nakapupuwing ang nasabing missile dahil nga makailang beses na rin itong nasubukan at napatunayan sa tulad nalang ng iba't ibang sinaryo sa larangan ng digmaan.
Makikita rin na kasama sa pagsasanay ng mga mandaragat ng BRP Jose Rizal ay ang kaalaman sa opersyon at maintenance ng Fire Control Radar (FCR) at 76mm Super Rapid Multi-Feeding Gun ng warship. na kung saan kilala ang nasabing naval gun pagdating sa accuracy nito at continuous firing.
Ilan lamang ito sa mga pagsasanay na patuloy na pinagyayabong ng Hukbong Dagat ng Bansa. Inaaasahan naman na sa pagdating ng Vertical Launcher ng dalawang Jose Rizal Class ay muling magkakaroon ng panibagong pangil ang nasabing barkong pandigma ng bansa.
No comments:
Post a Comment