Wednesday, October 6, 2021

Mas Advance na Tarlac Class Makukuha Na

Isang kapapasok lang na balita. Departamento ng Depensa ng Pilipinas naghayag na uumpisahan muli ang pag kuha ng dalawa pang Landing Platform Docks o LPD para sa Hukbong Dagat ng bansa.

Anya, ang muling pagbubukas ng invitation to bid para sa Landing Platform Docks o LPD ay isinapubliko nitong Setyembre 3, 2021 sa opisyal na website mismo ng DND. Kung saan, Ito na ang ika-apat na pagtatangka upang makakuha ng mga naturang sasakyang-dagat, na kung saan ito sana ang magpapalaki lalo ng kakayahan ng Hukbong dagat ng bansa sa larangan amphibious landing mission at transport task.

Ang dahilan ng makailang ulit na bidding ay dahil anya sa pagkaka disqualified ng isa sa Shipbuilder na inaasahan sana, na gagawa ng nasabing vessel, at dahil nga dito, lumalabas na ang Megaship Builders’ na ka joint venture ng Malaysian shipbuilder, na isa sa napili, ay nagkaroon ng kakulangan pagdating sa equipment at pasilidad na paggagawan ng nasabing vessel.

Inaaasahan naman na maspinabuting bersyon, ng dalawang Tarlac-class strategic sealift vessels na may apat na units ng landing craft utility, at apat na units ng rigid hull inflatable boats, ang makukuha ng Hukbong Dagat ng Pilipinas, matapos ang pre-bid conference na gaganapin naman sa darating na oktubre adose at matatapos naman ang deadline of submission of bids is on oktubre a bente sais taong kasalukuyan, kung saan, ang nasabing halaga ng kukuhaning LPD ay na nagkakahalaga ng tumataginting na 5 bilyon at 56 milyon piso (PHP 5.56 billion). 





No comments:

Post a Comment