Kamusta, Isang kapapasok na balita na naman, ang aming ihahandog sa inyo.
Ito ay matapos na makailang ulit na mapagtagumpayan ng pilipinas, ang sunod sunod na pag papakawala ng satellite nito sa kalawakan. kung saan ito ay binubuo ng Maya-2 Cube satellite na nailaunch nitong Pebrero, Maya-3 at Maya-4 nitong Agosto ng taong kasalukuyan. kung saan halos tatlong taon naman ng huling ilaunch ang Diwata-2 nuong pang oktubre taong 2018.
Ilan lamang ito sa mga makasaysayang mga imbensyon, na naging possible, sa tulong ng STAMINA4Space Research and Development (R&D) Program, sa pamamagitan ng STep-UP project, na kung saan, sila ang nangunguna sa paggawa at pagdevelop ng mga Micro satellite, na malaki ang naiambag, para sa pag papaunlad, na naging matagumpay namang tinatamasa ngayon ng programa.
Tinataya naman na higit kumulang na Php 867.5 Million ang inilaang pondo ang ibinigay ng Department of Science and Technology, sa Space Technology and Applications Mastery, Innovation, and Advancement program, o mas kilala bilang STAMINA4Space Program.
Ayon naman sa Departamento ng Syensya at Teknolohiya (DOST), inaaasahan na ang nasabing programa ay makapagbibigay, ng kakayahan ng Pilipinas na makapag develop ng sariling satellite, na maipagmamalaki sa buong mundo.
No comments:
Post a Comment