Tulad nga ng mga nakaraang nating naiulat, patungkol sa natitiran huling batch ng Blackhawks ng Pilipinas. Marahil, ito na siguro ang araw, na isa sa pinaka hihintay ng Hukbong Panghimpapawid ng Pilipinas.
Dahil nga ang mga nasabing Blackhawks S70i, na bumibilang ng Limang piraso, ay namataan mismo sa loob ng paliparan, sa Clark Air Base
Matatandaan na ang First Batch o ang kauna unahang delivery ng nasabing S70i Blackhawk na gawa sa Poland, ay unang beses nating nasilayan nuon pang Nubyembre ng taong 2020, kung saan, bumibilang ng anim na piraso. at ang Second Batch naman ay may bilang na limang piraso, ay naideliver sa bansa nuong Hunyo ng taong kasalukuyan. Habang ang huling Batch ay ating binabalita ngayon ay nakarating sa bansa nitong Nubyembre 8 ng taong kasalukuyan.
Sa kabila nga, ng pagbagsak ng isang blackhawk na kamakailan lang ay naideliver sa bansa, kung saan, nasira ito dahil sa di inaasahang aksidente. ang tinatayang kabuuang bilang ng blackhawk na dapat sana ay labing anim. ito ay nabawasan ng isa kaya't lalabas na labing lima nalamang.
Ang kabuuang halaga ng S70i Blackhawks na bumibilang ng labing anim na piraso, kung saan binili ng bago mula sa bansang Poland, ay aabot ng higit kumulang 11.5 bilyong piso (PHP11.5 billion).
No comments:
Post a Comment