Kamusta, Isang nanamang kapapasok na balita ang ihahatid namin sa inyo. Ang S70i Blackhawks ng Philippine Air Force, ay lumabas ang kakayahan matapos ang isang inkwentro sa pagitan ng sundalo at rebeldeng NPA.
Ito ay matapos nga ng ang magkasamang tropa ng pamahalaan na 62nd at 79th Infantry Battalion ay napasabak sa higit kumulang 25 na mga rebeldeng NPA nitong ika tatlo ng Nobyembre taong kasalukuyan (Nov. 3, 2021) sa Barangay Quintin Remo, Moises Padilala, Negros Occidental.Kung saan dalawang blackhawk helicopter ang agarang ideniploy sa nasabing lugar ng pinag ikwentrohan.
Anya, ang dalawang S70i Helicopter, na kamakailan lang ay naideliver sa bansa, ay agarang nakarating sa lugar para supportahan ang tropa ng gobyerno kung saan nagsilbing close air support at evac helicopter ng mga sundalo.
Sinasabing matapos ang inkwentro, base sa impormasyon nakalap ng sundalo sa lugar, lumalabas na aabot sa apat ang nasawi o di kaya ay matinding nasugatan sa panig ng mga Rebeldeng NPA. Habang dalawa naman ang nagbuwis at apat naman ang lubhang nasugatan sa panig ng kasundaluhan, na kung saan sinasabing nasa maayos ng kundisyon, matapos nga na mabilis itong nailipad ng blackhawks ng Philippine Air Force.
Matapos nga ang insidente, at ayon narin sa isang military official, kung wala ang presensya ng dalawang Blackhawk sa nasabing lugar, malamang sa malamang, mas marami pa ang magbubuwis sa gitna ng bakbakan.
No comments:
Post a Comment