Friday, December 17, 2021

BRP Gregorio Del Pilar 70 Percent ng Gawa

Ito ay matapos na ang isa sa dalawang del pilar class offshore patrol vessel, ay inaaasahan ng muling sumabak sa gitna ng karagatan.

Ayon sa pambansang pahayagan, at sa tagapagsalita ng hukbong Dagat anya, 

"The ship's repair is already 70 percent complete, with an estimated completion date around the last week of December 2021,"

Ang BRP Gregorio Del Pilar PS-15 ay Pitong pung pursyento ng kumpleto. kung saan, nitong Nobyembre lang, ay nagsagawa pa ang nasabing warship na magkaroon ng Dock and Sea Trials.

Sa kabila nga ng nasabing pagsasa ayos sa barko, ayon na rin sa tagapag salita ng Philippine Navy na si Spokesperson Commander Benjo Negranza.

"Another sea trial will be scheduled upon correction of noted deficiencies (if any) found on the previous sea trial,"

Maaalala na ang nasabing warship ng bansa na BRP Gregorio Del Pilar ay minsan ng naglayag sa Hasa-Hasa Shoal nuong Agosto ng taong 2018, kung saan ito ay di inaasahang sumadsad na nagresulta ng pakasira ng isa sa dalawang variable pitch propellers nito kasama na ang propeller hub.



No comments:

Post a Comment