Saturday, December 18, 2021

32 Units Ng S70i Blackhawks Nakapaglaan Na Ng Budget

Ito ay matapos na ang Departamento ng Depensa ng Bansa ay nagpahayag, na ang Hukbong Pang Himpapawid ng Bansa, ay muling makakakuha ng S-70i Blackhawk Helicopters, kung saan di lang isang dusena, kundi 32 piraso na blackhawk helicopters, ang muling kukuhanin sa bansang Poland.

Ayon mismo sa pahayag ng Kalihim ng Depensa ng Bansa, na walang iba kundi si Secretary Delfin Lorenzana, Ang Department of Budget and Management ay naglaan na ng Higit kumulang 32 bilyong piso (PHP 32 billion) para sa 32 units na S70i blackhawk helicopter sa manufacturer nitong PZL Mielec sa Bansang Poland.

Ang nasabing Pagkuha bukod pa sa 15 units na kakarating lang sa bansa nitong nakaraang buwan, ay upang mapalitan ang mga beteranong UH-1 Bell Huey Helicopters na nag mula sa America, matapos nga ng deka dekada nitong serbisyon sa bansa na kung saan makailang beses na rin itong sumabak sa iba't ibang klaseng operasyon, kabilang na ang maraming buhay ng sundalo na nailigtas nito.


Ayon sa kalihim, “The President said to just buy new helicopters so we can finally retire our Hueys, because a number of our crew had died while flying Hueys,”

Anya mas maraming helicopters sa military fleet ang magpapagaan ng trabaho ng mga sundalo kung saan di na kailangan maglakad at umakyat ng pag ka layo layo para lang makarating sa lugar ng operasyon.

dagdag pa ng kalihim. “We no longer need to bring food provisions, because resupply will be easier. It all boils down to this synergy of our forces,”

Inaaasahan naman na matapos nga mapondohan ng Department of Budget and Management ang higit kumulang 32 pirasong Blackhawk Helicopter na muling kukuhanin sa bansang Poland, ito ay makararating sa bansa sa mga susunod na buwan o taon.


  


No comments:

Post a Comment