Maaalala, nitong nakaraang mga buwan ay makailang ulit na rin binabalita ang Acquisition ng Off-Shore Patrol Vessel, nguni't sa di malalamang kadahilanan, ay wala paring kunkretong resulta kung matutuloy nga ba ang nasabing pagkuha.
Hanggang nitong nakaraang martes nga ng disyembre 9 taong kasalukuyan,sa di inaasahang pagkakataon, inihayag ng gobyerno na ang Off-Shore Patrol Vessel na matagal ng pinaplanong kunin, ay mukhang mabibigyan na ng liwanag.
Ito ay ng ang mismong Departamento na responsable sa pamamahala para sa mga pinag lalaanan, o mas kilala sa Department of Budget and Management ay naglaan na ng pondo para sa pagkuha ng Off-Shore Patrol Vessel ng Pilipinas.
Anya, sinasabing ang OPV's na kukuhanin, ay gagawin mismo dito sa bansa, kung saan alin sundon sa pinagkasunduang specification, ito dapat ay may kakayahang na mag lulan ng hindi baba sa 52 na mandaragat, habang kargado ng (76 mm) seventy six milimiter machine guns at dalawang twenty five milimeter remote controlled weapon systems.
Ang nasabing disinyo ng Off-Shore Patrol Vessel ng Pilipinas, ay ibinase sa barko na minsan na ring inilabas ng Austal, isang kumpanya mula sa bansang Australia. Kung saan ang barko ay aabot sa haba ng 83.4 meters at lapad na 4 meters. may bilis na di lalampas sa 40.7 kilometers per hour na kayang malayo ng 6,482 kilometers.
Ang OPV's ay nakatakdang humalili sa mga barko natin na nagmula pa sa panahon ng ikalawang digmaang pandaig digan, na tulad na nga lang ng Malvar Class Patrol Corvettes.
Tinatayang higit kumulang PHP 35 billion (35 bilyong piso) ang kabuuang halaga ng Anim na pirasong 83.4 meters Off-Shore Patrol Vessel, kung saan inaasahan naman na mauumpisahan ang paggawa matapos nga ang termino ng kasalukuyang administrasyon.
No comments:
Post a Comment