Monday, December 13, 2021

Higit Kumulang Isang Dosenang Heavy Lift Helicopter Mula Russia Hinihintay Nalang Ang Pagdating

Kalihim ng Depensa ng Bansa nag hayag na ang Hukbong Panghihimpapawid ng Pilipinas, ay makakakuha na ng Heavy Lift Helicopter. 

Ito ay matapos na, ang maibigay ang paunang bayad nito sa bansa na kilala pagdating sa paggawa ng nasabing pang malakasang helicopter.

Ayon mismo ng pahayag ng kalihim ng Pilipinas, nitong kinagabihan ng ika pito ng disyembre, " the down payment for the heavy-lift helicopters, I think will be paid soon so that we will have the heavy-lift helicopter, Mi-17, of Russia. Malaking helicopter po iyon,". 

Matatandaan, nitong mga nakaraang taon, ay mag pag uusap na patungkol sa kukuhaning Heavy lift helicopter, kung saan isa nga mga binigyang diin na kukuhanin, ay ang Mil MI-171 na mula sa Russia.

Ang Platform na Heavy Lift Helicopter ng mga Ruso ay minsan narin nakilala, dahil nga sa kahanga hangang kakayahan nitong maglulan ng di bababa sa 37 ng sundalo sabay sabay.

Pagdating naman sa proteksyon ng Mi-171, masasabing malaking ang inimprub nito, bukod nga sa pupwede itong lagyan ng rocket pods, ay may roon din itong infrared decoy system, at higit sa lahat, napapalibutan ang nasabing helicopter ng armor plating, lalo na ang makinang bahagi nito. 

Ayon sa departamento, lumalabas na 16 na MI-171 kasama ang isang libreng na VIP Helicopter ang kabuang makukuha ng bansa sa Russia, kung saan higit kumulang na (PHP 12.8 Billion) 12 bilyon at walong daang milyong piso ang tinatayang nalaang budget para sa nasabing acquisition.

Bagamat wala paring eksaktong petsa, inaaasahan naman na sa mga susunod na buwan ay makararating ang nasabing mga helicopter na gawa sa bansang Russia.

No comments:

Post a Comment