Wednesday, December 15, 2021

T129 Attack Helicopter Ng Pilipinas Pinasilip

Departamento ng Depensa ng Bansa Ipinasilip ang atak helicopter na nabili nito sa bansang turkey. Ito ay matapos lumabas ang isang imahe ng nasabing helicopter sa mismong opisyal social media page ng departamento.

Makikita sa nasabing pahina, ang ilang grupo ng mga pilotong pilipino sakay ng isang atak helicopter na pawang naghahanda para sa pag lipad. Mapapansin rin, na ang dalawang sakyang panghimpapawid, ay pawang armado ng matataas na kalibre, na tulad nalang ng 20 mm three-barrel rotary cannon na makikita sa nguso ng helicopter,kung saan ito may kapasidad na 500 na bala, habang sa bandang tagiliran naman ay mapapansin rin ang isang rocket pods na kayang mag laman ng Apat na 70 mm rockets bawat isang pods nito.

Lumalabas nga, na ang napiling kulay para sa T129 ATAK Helicopter ng bansa ay ang matingkad berde o khaki, kung saan marahil, kaya ito ang napili, ay upang madali itong  mag tago sa gitna ng operasyon, sakali mang ito ay kinakailangang lumapag sa kagubatan.

Inaaasahan naman, na matapos itong makalapag sa bansa, bukod nga sa Dalawang Cobra Attack helicopter ng Donasyon ng bansang Jordan, ang mga nasabing helicopter ay karagadagan muli ng pwerse, na kung saan ang mga ito ay mapupunta sa 15th Strike Wing ng Philippine Air Force.

Ayon narin sa ating ibinalita kamakailan lang, Ang Dalawa sa Anim na kabuang binili na T129 ng Pilipinas ay makararating ngayong buwan mismo ng Disyembre. 


 

No comments:

Post a Comment