Saturday, January 29, 2022

F35 Nahulog Sa Aircraft Carrier Piloto Sinugod Sa Ospital Sa Maynila

Isang Jet Fighter na kung saan isa sa mga nangunguna na makabago at modernong eroplanong pandigma ang di inaasahang nahulog sa aircraft carrier nito.

Anya, sinasabing matapos nga ang kaganapan, mula  sa isang pag sasanay ay, ang isang f35 na kilala pagdating sa advance and modern fighter ng kasalukuyang panahon ay nahulog sa flight deck ng aircraft carrier nito na nagngangalang USS Carl Vinson 

(CVN).

Ayon sa pahayag ng nasabing Navy ng Estados Unidos.

“An F-35C Lightning II assigned to Carrier Air Wing (CVW) 2, embarked aboard USS Carl Vinson (CVN 70) had a landing mishap and impacted the flight deck and subsequently fell to the water during routine flight operations,” 

“Impact to the flight deck was superficial and all equipment for flight operations is operational. Carrier Air Wing 2 and USS Carl Vinson have resumed routine flight operations in the South China Sea.”

Di naman masabi ng Navy mula sa Amerika, kung anong pangkat ng F35C ang nahulog sa nasabing Aircraft Carrier, Sinasabi naman na ang USS Carl Vinson ay kasalukuyang may sampung F35C's na napapabilang sa pangkat ng Arganauts ng VFA-147 Strike Fighter Squadron, na nanggaling pa sa Naval Air Station Lemoore, sa California.

Anya, matapos nga ang insidente ng nasabing crash landing sa carrier na ikinasugat ng pitong  mandaragat kasama ng pilotong nag eject sa F35 kung saan sinaklolohan ng isang helicopter, ay kasalukuyang itinakbo sa ospital sa Maynila para matugunan medikal na pangangailangan.

“The pilot and two other sailors were [evacuated] to a medical treatment facility in Manila, Philippines, and four sailors were treated by on-board medical personnel. All the sailors are in stable condition.” 

Ayon sa Hukbong Pandagat ng Estados Unidos, ang nasabing eroplanong nahulog sa Aircraft Carrier na USS Carl Vinson, ay inuumpisahan na ang recovery operations, di naman masabi kung ito ba ay nagapang makuha bago lumubog, o ito ay i rerecover dahil nga ito ay nasa ilalim na ng dagat.




No comments:

Post a Comment