Ang Departamento ng Depensa ng Pilipinas Opisyal ng pinirmahan ang kontrata para sa pagbili ng missiles na kilalang pinaka mabilis na cruise missile sa buong mundo.
Ito ay ng ang mismong Kalihim ng Depensa ng Bansa na si Secretary Delfin Lorenzana kasama ang Director General na si Atul Dinkar Rane ng Brahmos Aerospace, ay magkasamang pumirma para sa kontratang nagkakahalaga ng higit kumulang 18 bilyon at 9 na milyong piso (PHP 18.9 Billion ) halaga ng cruise missiles na gawa mula sa bansang India.
Anya, ang nasabing pagpirma para sa pagbili ng pinakamabilis na cruise missile ay magsisilbing milestone sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
"As Secretary of National Defense, I am elated to be part of this huge milestone for the AFP. The acquisition of Shore-Based Anti-Ship Missiles for the PN was first conceptualized in 2017. We are glad that in 2020, President Rodrigo R. Duterte finally approved its inclusion in Horizon 2 priority projects under the Revised AFP Modernization Program,"
Tatlong batteries ng BrahMos cruise missiles ang nakatakda nang mapasakamay ng Hukbong Dagat ng Pilipinas, kung saan kasama ang training ng mga operators nito at tagapangalaga ng nasabing missiles, at pati na rin ang Integrated Logistics Support (ILS) package nitong kinakailangan.
Ang missile battery ay tipikal na binubuo ng tatlong mobile autonomous launchers na may tatlong missile tubes kada isa vehicle kung saan included na rin ang tracking systems nito.
Sinasabi na ang BRAHMOS Missile na bibilhin ng bansa ay maykakayahang maabot ang target sa layong 290 kilometers, kung saan ang Mach 4 nitong bilis ay kayang bumutas ng sound barrier ng apat na ulit.
Sa panahong ginagawa ang videong ito, ang Brahmos ang nananatiling pinakamabilis na cruise missile sa buong mundo.
Matapos nga ng pirmahan ng kontrata asahan naman na uumpisahan na ang delivery ng nasabing brahmos cruise missile, sa mismong taong kasalukuyan.
No comments:
Post a Comment