Wednesday, February 2, 2022

Turkey's Killer Submarine Para Sa Pilipinas

Kamusta!! Isang na namang kapapasok na balita ang muli naming ihahatid sa inyo, 

Ito ay matapos nga ianunsyo, ng isang bansa na unti-unit naring nakikilala sa larangan ng paggawa at pagdebelop ng armas, na ang pilipinas ang isa sa pangunahing target nila, para sa kanilang submarino gagawin.

Ayon sa ating source, ang nasabing bansa na minsan naring ating nabilhan ng kagamitang pandigma, na tulad na nga lang kanilang T129 atak Helicopter, ay walang iba kundi ang Bansang Turkey.

Ang Submarinong bubuuin na kung saan sinasabing Game Changer ay walang iba kundi ang STM500. Dahil sa kakayahan nitong magsagawa ng operasyon, sa mababaw na bahagi ng katubigan. tinatawag din itong Shallow Water Attack Submarine o (SWATS).\

Ang STM500 ay may haba na 42 meters, may lapad na 8.5 meters, may bilis na 18 knots, at kayang mag dive sa lalim na aabot ng 250 meters. ito ay may kakayahang lumayo na aabot ng 3,500 nautical miles gamit ang diesel engines nito kung saan sa kumbinasyon ng diesel propulsyon nito ay kaya pang mapahaba ito ng  4,000 nautical miles.

Ang nasabing STM500 ay kargado ng ibat ibang klaseng sonar equipments, na tulad nalang ng cylindrical array at cylindrical transducer array, kasama rin ang passive ranging, passive intercept array at sarili nitong noise array systems. meron din itong optronic periscope at electronic warfare support measures (ESM) antenna.

Ang nasabing Type ng Submarino ay kayang tumagal ng 30 days sa ilalim ng tubig, kasama ang 18 crewmembers nito at 6 na Special Forces, sinasabi rin na ito ay may 4 na torpedo tubes, na may 8 heavyweight torpedoes o di kaya ay cruise missiles.

Anya, ang bubuuing submarino  na nasa ilalim ng pagpapayabong ng paggawa ng armas, ay sinasabi ring, malaki ang potensyal na maibenta sa global market. Kung saan mapapabilang ang bansang pilipinas sa kanilang market campaign.




No comments:

Post a Comment