Thursday, February 3, 2022

Bagong Barko ng Philippine Coast Guard Parating Na

Ang pinaka malaking barko ng Tanod Baybayin ng Pilipinas, ay muli na namang namataan. Ito ay matapos na muling mag pakita na naglalayag sa gitna ng malawak na katubigan sa Japan.

Sinasabi na ang namataang barko ng Philippine Coast Guard ay walang iba kundi ang kamakailan lang na kagagawang MRRV-9701 Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) TERESA MAGBANUA . 

Anya,  ang nasabing ginanap na unang sea trial, ay upang malaman at masiguro na ang kakayahan ng barko ay pasok sa tinatanatawag na seaworthiness o pagiging karapatdapat sa dagat. kasama nga dito ang pagsukat ng bilis ng vessel (gauging vessel's speed), maneuverability, functionality of equipment, at safety features nito.

Ang nasabing unang sea trial ng MRRV-9701, na isinasagawa ay pinangunahan ng mga gumawa sa barko, na tulad nalang ng Mitsubishi Shipbuilders at iba pang equipment makers nito, kung saan kasama rin sa nasabing sea trial, ang PCG Officials at mga Future Crew ng barko. 

Inaaasahan naman anya, na makararating sa bansa ang BRP TERESA MAGBANUA MRRV-9701 sa mga susunod na araw ng buwang ng Pebrero sa mismong taon ito.

No comments:

Post a Comment