Friday, February 4, 2022

Marino Nakuha Na Ang Bagong Acquisition | Ano Kaya Ito?

Isang panibagong Acuisition na naman ang nakuha ng isa sa departamento ng Armed Forces Of the Philippines.

Ito ay matapos nga ng mamataan ang apat na sasakyan na pawang inihahanda ibigay para sa bagong may ari ng mga ito. Kung saan ang maswerteng makakatanggap ng mga nasabing sasakyan ay ang Philippine Marine Corp.

Sa pangunguna ni Major General Ariel R. Caculitan ng Hukbong Kawal Pandagat ng Pilipinas nitong February 3, 2022. Isang turn over ceremony ang isinigawa para sa Apat na Units ng Mobile Mess Facility o kilala rin sa tawag na Mobile Kitchen.

Ayon sa Heneral, "Ang acquisition na ito ay naglalayong suportahan ang Marine Operating Forces na naka-deploy sa field na nagsasagawa ng iba't ibang operasyon, kabilang ang humanitarian assistance at disaster response, multilateral exercises, focus military operations, at civil-military mga operasyon".

Kinilala naman ni Major General Caculitan ang nasabing acquisition bilang isang mahalagang pangangailangan para sa nasabing hukbo. Kung kaya lubos ang pasasalamat nito sa mga responsable para sa pagkuha ng nasabing Apat na Bagong bagong Mobile Kitchen. Isa na dito ang NEWCMP Industrial Builders, na naging partner ng marino para sa nasabing proyekto. 

Inaaasahan naman anya na matapos nga ma iturn over ang Apat na Mobile Mess Facility, ay dederetyo na ito sa operasyon para magampanan at magsilbing tulong sa ating kasundaluhan.

No comments:

Post a Comment