Kamakailanlang isang balita ang patuloy na kumakalat... ito ay matapos na ang isang imahe ng isang vessel ay nakitaan ng logo ng Coast Guard ng Pilipinas. Ito na nga ba ang barkong na binili ng bansa na may haba na siyam na put apat na metro(94 meters).
Ayon na rin sa ating sources. sinasabi ngang ang vessel na nakuhanan ng imahe ay ang isa sa dalawang 94 meters MRRV (Multi-Role Response Vessel)na binili ng Pilipinas sa Bansang Japan. kung saan kamakailan lang nag umpisa ito sa isang pirmahan nuong Pebrero a syete taong 2020 (Feb. 7, 2020). at sumunod nga dito nagkaroon naman ng seremonya ng pagdarasal nuong Disyembre desi Otso ng taong 2020 (Dec. 18, 2020)na kung saan ang nasabing serimonya ay ang magsisilbing hudyat para sa pagbuo ng dalawang barko Pilipinas.
At dahil nga sa imahe na kumakalat sinasabing isa nga sa dalawang barko na nabili ng bansa ay na nabuo na. kung saan ang inaasahan na sa mga susunod na araw ay makikitang lumutang na ito sa katubigan.
Sinasabi nga ang Vessel na namataan ay higit pa sa 94 meters ang haba dahil nga ayon narin sa numero nito na 9701 o ibig (sabihin 97 meters hull 1) na makitang nakasulat sa bungad ng barko. Inaasahan naman na ang launching nito ay magaganap sa Hulyo a bente sais taong kasalukuyan(July 26, 2021).
Pambihirang imahe ang makikita... dahil minsan lang natin mamataan ang maalamat na barkong ito ng bansa, kung saan ang nasabing vessel ay kaya naman pa lang magamit sa isang operasyon..
Ang nasabing barko ay walang iba kundi Ang BRP Ang Pangulo. Kilala ito na minsan naring nagsilbi bilang Pangunahing Barko ng mga nagdadaang Presidente, at sa kabila nga ng katandaan nito, napapanatili pa rin ng taga pangasiwa ng nasabing barko ang natatangi nitong kagandahan.
Sinasabing ang BRP Ang Pangulo ay namataan na nagsasagawa ng operasyon na kung tawagin ay Presidential/VIP Security Operation nitong a otso ng hulyo taong kasalukuyan (July 8, 2021) Ito ay binubuo ng Presidential/VIP Sealift at Airlift Operations.
Ang nasabing simulation exercise pinangunahan ng dalawang SEAL Teams ng Philippine Navy kung saan makikita rin ang partisipasyon ng tatlong MPAC o Multi-Purpose Attack Craft at dalawang Bell 412 Helicopters ng 250th Presidential Airlift na makailang ulit na nakitang lumalapag sa BRP Ang Pangulo.
Bagong Fighter Jet ng Russia pinasilip sa madla. Ito ay ng magkaroon ng unveilling mula sa isang event na kung tawagin ay MAKS-2021 International Aviation and Space Salon.
Kung saan makikita mismong ang Presidente ng Russia ay isa sa pangunahing dumalo sa nasabing event.
Ang nasabing Eroplano na may makinang kayang lumipad ng Mach 2 o dalawang beses na mas mabilis sa isang tunog at kayang makalayo ng 3,000 kilometers kung saan ito ay kayang magdala ng armaments na aabot sa bigat na 7,400 Kilograms.
Ang Eroplano ay ibinunyag sa publiko at pinangalanang "checkmate". ito ay isang 5th Generation Fighter na may AI system o Artificial Inteligence na susuporta sa piloto at eroplano.
Makikitang ang disenyon ng eroplano ay masasabing moderno dahil na rin anya ito ay ginamitan ng Advancce technology at Stealth Capabilities.
Ang halaga ng nasabing eroplano ay mas mura pa sa SU 57 na may dalawang makina, habang ito naman ay may iisang makina at may kaliitan.
BRP Apolinario Mabini nagsawa ng Test Firing. Ito ay matapos na mamataan ang nasabing Warship ng Pilipinas sa karagatan ng Olanivan Island sa Sarangani Davao Occidental, nitong Hulyo a dose ng taong 2021 (July 12, 2021).
Kung saan ang Gun Crews at Operational Personnel ng nasabing warship ng bansa ay muling ipinakita ng kahusayan nito sa pagaasinta ng may buong accuracy kung saan makikitang ang kanilang target ay paulit ulit na tinatataaman hanggang sa itoy lumubog.
Ang nasabing Test Firing ay ikalawang beses na palang isinagawa sa taong ito. kung saan isa sa pamamaraan para makitang ang weapons systems at naval guns ay nasa maaayos na kalagayan at maging ang kahusayan ng crew nito ay manatiling mapagkakatiwalaan sakali mang magamit ito sa totoong gera.
Mayor ng Davao City na si Mayor Inday Sarah Duterte namataan na nakikipag usap kasama ang isang grupo ng mga tao kung saan katabi ang isang aircraft na kung tawagin ay Grey Eagle.
Ang nasabing pagtitipon ay naganap sa loob mismo ng Western Mindanao Command, na kung saan isang grupo nga mga tao ang nakapaligid sa nasabing eroplano. At kasama nga dito ang Mayor ng Davao City.
Sinasabing ang kaganapan ay pinaumpisahan ng isang grupo ng mga amerikano upang maipag malaki ang kanilang Unmanned Aerial Vehicle o MQ1 Grey eagle. ito ay kayang armasan ng apat na pirasong ibat ibang klaseng armaments na tulad nalamang ng Hellfire Missle AGM-114, Stinger Missle AIM-92, at Viper Strike Bomb GBU-44/B na isang GPS aided laser guided Bomb.
Ang nasabing eroplano ay isang Medium Altitude Long Endurance (MALE) Unmanned Aircraft System (UAS) na maihahalintulad sa Hermes 900 UAV ng Philippine Air Force.
Ang Philippine Air Force ipinasailip ang kanilang State of the Art na Simulator para A29 Super Tucano.
Kung saan dito nyo makikita na kahawig na kahawig nito ang cockpit ng A29 ng Pilipinas kung saan makikitang maging ang panel na nagsisilbing environment ng simulator ay mapagkakamalang totoo dahil na rin sa High Quality Visual System nito.
Sinasabing ang simulator ng Super Tucano ng Bansa ay isa lamang sa mga pamamaraan upang mahasang maigi ang mga estudyanteng na ngangarap na maging piloto ng pretihiyosong eroplano ng Pilipinas.
Ayon na rin sa Philippine Air Force inaaasahan na madadagdagan muli ng panibagong Anim na Pirasong Super Tucano gawa sa Brazil ang dadating sa bansa.. Kung kayat ang departamento ay inihahanda na ang mga susunod na Piloto nito sa Tulong narin ng mga pagsasanay gamit ang makabagong Equipment na tulad nalang A29 Super Tucano Flight Training Device na ito.
Ang Philippine Coast Guard pinangunahang silipin ang isang Eroplano nito. Kung saan makikitang mukhang bagong bago ang ityura at makinis ang pagkaka pintura .
Ang kumandante ng PCG na walang iba kundi si Commandant Admiral George V Ursabia Jr. ay personnal na ininspeksyon ang kagagawa lang na Islander plane na may tail number PCG-251. Ito ay kung saan makikita ang mala porselanang pintura nito na para bang kalalabas lang ng Pabrika. at maging ang makina at iba pang kagamitan ng nasabing eroplano ay nakabalot pa ng plastik.
Sinasabing matapos nga ang pagkakagawa ng nasabing Islander plan. muli itong isasabak sa misyon kung saan gamgampanan nito na muling lumipad sa tawag ng tungkulin.
Ang Naval Forces Eastern Mindanao sinalubong ang Japanese Maritime Self-Defense Force kung saan higit sa Isang batalyong Training Squadron ang sakay sakay ng barko nito.
Ang mga nasabing barko na ngangalang JS KASIMA (TV 3508) at JS SETOYUKI (TV 3518) mula pa sa Bansang Japan ay sinalubong ng BRP Apolinario Mabini kung saan ito dumaan sa Sasa Wharf sa Davao City.
Sinasabing Ang Tatlong barko ay nagkaroon ng isang Communications Exercise (COMMEX), Passing Exercise (PASSEX), at Photo Exercise (PHOTOEX). Kung saan kamangha manghang imahe ng Tatlong barko ang makikitang sabay sabay na lalayag sa gitna ng karagatan ng Davao.
New Clark City nagsilbing training ground ng atleta mula israel. Matapos nga na makita ng ibang bansa ang ating New Clark City Sports Complex. Kung saan talaga nga namang maipag mamalaki, dahil narin sa world class facility nito na pang Olympics.
Di nga naglaon, Isang Grupo ng Atleta mula sa Bansang Israel, ang namataan na nagsasanay sa Aquatic Center ng New Clark City. Sinasabing ang Swimmers na galing sa Israel ay mananatili sa nasabing pasilidad upang mapaghandaan ang gaganaping Tokyo Olympic. Kung saan ang mga nasabing atleta ay mananatili ng higit sa sampung araw hanggang sa ito ay makalipad patungong tokyo.
Lubos naman ang paghanga ng nasabing grupo ng atleta na pambato sa Olympics ng bansang Israel. Dahil sa matapos nilang masilayan ang pasilidad ay di nila maiwasang mamangha ng makita nilang ang mala kristal na tubig ng Aquatic Center. at maging ang kagamitan nito ay pawang nakalaan talaga para gantong uri pagsasanay. Nagkataon naman na nasilayan rin ng grupo ang pagbaba ng araw, sa isang bahagi ng pasilidad, habang ang mga ito ay nasa gitna ng training.
BRP Antonio Luna FF 151 namataan sa Kanlurang bahagi ng Pilipinas.
Maaalala kamakailan lang ang nasabing ikalawang Missile Frigate ng bansa ay dumating mula sa South Korea. Kung saan ang nasabing Barkong Pandigma ay nakarating sa Pilipinas nuong Marso (19) diecinueve taong 2021.
At ang kaunaunahang misyon nito ay iginawad naman nitong Hunyo ng a diez (10) taong kasalukuyan (2021). at matapos nga ang Send-off Ceremony ang nasabing Missile Frigate ay nakatakdang maglayag patungong West Philippines Sea.
Ito ay kung saan eksklusibong naman namataan ang ikalawang Missile Frigate ng Pilipinas na paikot ikot sa Malapaya Gas Field sa Palawan. Sinasabing ang kaganapan ay isa lamang sa mga posisyon nito na pagpapatrolan kung saan ilang parte pa ng West Philippine Sea ang Inaasahang dadaanan nito para bantayan.
Bukod nga sa kabayanihang ipinamalas ng ating CAFGUS at Kapulisan sa gitna ng aksidentang pagsadsad ng C130 Kamakailan lang. E mayroon pang isang Grupo na sa kabila ng pagkakaiba iba ng paniniwala at relihiyon dahil sa kanilang ipinamalis di parin maikakaila na iisang lahi lang ang ating pinanggalingan.
Ang nasabing mga bayaning maituturin, na walang alinlangang tumakbo, para matulungan ang mga sundalong sakay ng sumadsad na eroplano, ay walang iba, kundi ang ating kababayang Tausog na kung saan sila ang isa sa mga namataan na dali dali tumakbo para maisalba ang ating kaawang sundalo na nasadlak sa di inaasahang aksidente.
Sinasabi ring makailang beses na nakitang pabalik balik ang grupo sa nasusunog na eroplano. Kung saan di mabilang na sundalo ang kanilang naisalba. sa kabila ng panganib na maaaring maidulot ng nasusunog na eroplano ay di parin alintana ng ating kababayang tausog, na muling bumalik, para lang makatulong ating kasundaluhan sa gitna ng malagim na aksidente.
Sa Kabila ng sunod sunod na trahedya nararanasan ngayong ng Hukbong Panghimpapawid ng Bansa. na kung saan kamakailan lang, ang bagong S70i Blackhawk na may (6) anim na katao ang sakay ay di pinalad na makaligtas ng ito ay bumagsak, at sa di inaasahang pagkakataon sinundan naman ito ng pagsadsad ng C130 kung saan hindi baba sa (52) limamput dalawang katao ang nagbuwis ng buhay.
At dahil nga dyan. Ayon sa Kalihim ng Depensa ng Bansa na si Secretary Delpin Lorenzana. Ang Hukbong Panghimpapawid ng Bansa ay inumpisahan na ang pagbabago ng pamantayan para hindi na nga maulit ang malunoslunos na trahedya na dinanas ng Hukbo nitong mga nakaraang buwan.
Sinasabi ring bukod sa mga pagbabago. Lalo pang pinaigting ng nasabing Departamento ang pagbili ng bagong mga air assets at equipment nito. Kung saan anya ang programa ay nakalinya na para sa pag acquire ng (2) Dalawang brand new na C-130J Super Hercules, (3) Tatlong Airbus Tactical Airlift C-295 at (4) na NC-212i Light Military Transport Aircraft.
Ang mga nasabing Air Assets ay inaasahang makukumpleto sa matapos ang Horizon 2 Revised Armed Forces of The Philippine Modernization Program, Kung saan (70%) Pitong pu hanggang (80%) walong pung pursyento ng programa ay inaasahan matatapos ng taong 2022.
Matapos nga ng malagim na aksidente ng ating C130 kamakailang.. kung saan sakay ang di baba sa siyam na putanim (96) na katao. At mahigit Singkwenta katao naman ang hindi pinalad..
Sa kabila ng Malagim na sinapit ng c130 ng Philippine Air Force... Isa namang kahanga hangang kabayanihan ang ipinamalas ng isang grupo ng sundalo na agad na nakitang rumispunde sa pinangyarihan.
Ito ay ang grupo ng Joint Task Force Sulu na nagmula pa sa katutubong Tausog. Sinasabing matapos nga na makita na ang eroplano ay sumadsad sa runway. Ang nasabing grupo ay walang alin langan na umaksyon at agresibong pumunta sa pinangyarihan kung saan ilang sakay ng c130 ang agad nilang binuhat papalayo sa nasusunog na eroplano.
At dahil sa pinamalis na kagitingan ng mga nasabing Sundalo na Tubong Tausog.
Inaasahan na anya na magagawaran ang kanilang ipinamalas na kagitingan. kung saan sila ay ni rekuminda na magawaran Bronze Cross Medal bilang simbulo ng katapangan sa gitna ng malaking panganib na maaring kanila mismong ikapahamak at ikasawi.
Maaalalang maka ilang beses narin tayong bumili ng kagamitan sa Japan na Tulad nalamang ng Radar at ibat iba klaseng Military Equipment. Sinasabi rin na pati ang kaalaman sa mga nasabing military technology galing japan ay naitransfer na sa Pilipinas.
Bukod nga Teknolohiyang natransfer na e mayroon nakahandang pagsasanay nagagawin mismo dito sa ating bansa.
Ito ng ang Air Force ng Japan at Pilipinas ay inanunsyo na ang magkabilang panig gagawa ng kanilang kauna-unahang magkasanib na pagsasanay na kung tawagin ay air-to-air bilateral training in humanitarian and disaster relief.
Sinasabing kasama sa pagsasanay ang C-130H cargo aircraft ng Japan kasama ang Aircraft Personnel and Crews nito. Kung saan anyan naka sentro ang nasabing exercise sa Humanitarian and Disaster Relief Operations.
Ang nasabing pag sasanay ay naka schedule ng July 5 hanggang July 8 Taong kasalukuyan (2021) at gaganapin sa Clark Air Base, Pampanga.
Isang kapapasok lang na balita.... C130 ng Philippine Air Force sakay ang ating magigiting nating sundalo bumagsak sa Katimugang bahagi ng Bansa.
Ito ay matapos na lumampas ang nasabing C130 ng Philippine Air Force sa kanyang Paglalapagan Kung saan Lulan Ang hindi baba sa Siyam na put dalawa (92) mga katao kasama ang tatlong Piloto at Limang Crew nito.
Sa ngayon meron ng apat na pu (40) ang narescue sa nasusunog na eroplano kung saan ito ay mabilis na nadala sa Ospital sa Brgy. Bus-bus sa Jolo, Sulu.
Habang labing Pitong katawan naman ang narecover sa nasabing insidente. Sa ngayon Patuloy pa rin ang Rescue and Recovery Operasyon sa pinangyarinhan. Inaaasahan naman na marami ang maililigtas sa kabila ng malagim na insidente.
Ang nasabing bumagsak na C130 ay na acquire kamakailan lang galing sa bansang Amerika. kung saan ito dumating sa bansa nitong buwan ng Pebrero lang ng Taong kasalukuyan (2021).
Sino ang Misteryosong Buyer ng Airbus C295 ng Australia?
Para sa nasabing balita ayon narin sa source ang Pontensyal na Customer ng nasabing Airbus C295 ng Bansang Australia ay Indonesia, Pilipinas at Vietnam lang.
Ito matapos na ibalita ng Bansang Australia na ang kanilang C295 Tactical Lifter ay kanila ng ibinibenta kung saan isang Misteryosong Buyer sa Southeast Asia ang inaasahang makakabili ng nasabing Aircraft.
Maaalang Ang Pilipinas ay may Tatlong Airbus C295 Tactical Airlifter Aircraft kung saan ang huling Ikatlong delivery ng nasabing Eroplano ay Nakumpleto ng ito dumating ng Disymebre ng Taong 2020.
Tinatayang higit PHP5 Billion ang kabuuang naging halaga ng tatlong C295 ng Philippine Air Force Kung saan ang Proyekto ay nasa Ilalim ng Horizon 2 Revised Armed Forces Of The Philippines Modernization Program (RAFPMP).
Inaasahang naman na kung sakali na ang misteryosong bibili ng C295 ng bansang Australia ay ang Pilipinas... Ang kabuuang Bilang ng nasabing C295 ng Philippine Air Force ay papalo sa Apat (4) na Piraso.
Ang Armed Force of The Philippines ay naka kuha ng mga ibat ibang klasing military weapons at equipment mula sa Estados Unidos...
Ito ay matapos ng ang Pilipinas ay kasama sa kasunduan na tinatawag na Joint United States Military Assistance Group- Philippines o (JUSMAG-P). Kung saan ang mga nasabing equipments ay dumating sa Clark Air Base, sa Pampanga, sakay ng KC-10 Extender ng US Air Force.
Sinasabing ang kabuuang halaga ng nasabing military equipment galing amerika ay tumataginting na PHP 183 Million of (US$ 3.8 Million) kung saan parehas na Pinundohan ng Philippine National Funds at US Grant Assistance.
Ang ideliver na military equipment galing Estados Unidos ay binubuo ng:
Matapos ng Dalawang taong pagkakatalaga nakauwi na sa wakas ang 4th Attack Boat Division ng Philippine Navy.
Ang nasabing Dibisyon na attack boats ng Hukbong Dagat ng Pilipinas na kina bibilangan ng Tatlong Multipurpose Assault Craft, ay ligtas na nakauwi matapos ang dalawang taong pagkakatalga sa Katimugang Bahagi ng Pilipinas.
Sinasabing ang kauuwing tatlong na MPAC na nagngangalang BA 492, BA 493 at BA 494 ay nakalinyan para sa Weapons Upgrade, Maintenance, Training at Refurbishments.