Saturday, November 20, 2021

Makapanindig Balahibong Pagsasanay Ng Hukbo ng Pilipinas Ang Namataan sa Dalampasigan Ng Antique

Isang makapanindig na balahibong kaganapan, ang maswerteng namataan ng ilang residente, kung saan, nagsisilakihang barkong pandigma, eroplano't helicopters, at maging mga tanke na kayang makatawid sa tubig, ang bumungad sa pangpang ng kanilang barangay. 

At dahil nga sa kakaibang presensyang dating ng nasabing mga sasakyan. di maiwasang magsihiyawan, ng mga tao sa naturang lugar, dahil narin sa kagalakan na makita nila ito ng malapitan.

Ang nasabing kaganapan, ay pinangunahan ng Hukbong Dagat, Hukbong Panghimpapawid, at Panglupa ng Pilipinas, na kung saan, ang eksena ay mistulang nasa gerang pinikula lang makikita.

Ang mga nagsisilakihang barko ng hukbong dagat ng Pilipinas, na kasamang namataan sa nasabing pagsasanay, ay kinabibilangan ng tatlong Capital Ships nito. ito ay ang BRP Tarlac, na nagsilbing Landing Dock Platform kung saan lumabas ang assault amphibious vehicles nito, BRP Andres Bonifacio na katatapos lang dumaan sa ilang upgrades, kabilang nga dito ang paglagay ng Mk38 25mm machine gun system. at ang ikatlong Capital Ship ay ang bagong pasinayang ikalawang Missile Frigate ng Bansa na walang iba kundi ang BRP Antonio Luna.

Makikita rin ang ilang Super Tucano na makailang ulit na lumipad ng mababa, maging ang BN Islander ng Navy halos sumayad na sa dalampasigan dahil sa isinagawang low passes nito. Kasama ring namataan ng malapitan ang AW109 Light Attack Helicopter.

Ang nasabing kaganapan ay isinagawa sa Sitio Catwayan, Poblacion, Patnongon, Antique. nitong ika 18 ng Nobyembre taong kasalukuyan. 

Wednesday, November 10, 2021

Bangis Ng S70i Blackhawk Helicopter Lumabas Sa Negros

Kamusta, Isang nanamang kapapasok na balita ang ihahatid namin sa inyo. Ang S70i Blackhawks ng Philippine Air Force, ay lumabas ang kakayahan matapos ang isang inkwentro sa pagitan ng sundalo at rebeldeng NPA.    

Ito ay matapos nga ng ang magkasamang tropa ng pamahalaan na 62nd at 79th Infantry Battalion ay napasabak sa higit kumulang 25 na mga rebeldeng NPA nitong ika tatlo ng Nobyembre taong kasalukuyan (Nov. 3, 2021) sa Barangay Quintin Remo, Moises Padilala, Negros Occidental.Kung saan dalawang blackhawk helicopter ang agarang ideniploy sa nasabing lugar ng pinag ikwentrohan. 

Anya, ang dalawang S70i Helicopter, na kamakailan lang ay naideliver sa bansa, ay agarang nakarating sa lugar para supportahan ang tropa ng gobyerno kung saan nagsilbing close air support at evac helicopter ng mga sundalo.

Sinasabing matapos ang inkwentro,  base sa impormasyon nakalap ng sundalo sa lugar, lumalabas na aabot sa apat ang nasawi o di kaya ay matinding nasugatan sa panig ng mga Rebeldeng NPA. Habang dalawa naman ang nagbuwis at apat naman ang lubhang nasugatan sa panig ng kasundaluhan, na kung saan sinasabing nasa maayos ng kundisyon, matapos nga na mabilis itong nailipad ng blackhawks ng Philippine Air Force.

Matapos nga ang insidente, at ayon narin sa isang military official, kung wala ang presensya ng dalawang Blackhawk sa nasabing lugar, malamang sa malamang, mas marami pa ang magbubuwis sa gitna ng bakbakan.

  

Tuesday, November 9, 2021

Limang S70i Na Kukumpleto Sa 16 Units Na BlackHawks Ng Philippine Air Force Nakalapag Na

Tulad nga ng mga nakaraang nating naiulat, patungkol sa natitiran huling batch ng Blackhawks ng Pilipinas. Marahil, ito na siguro ang araw, na isa sa pinaka hihintay ng Hukbong Panghimpapawid ng Pilipinas. 

Dahil nga ang mga nasabing Blackhawks S70i, na bumibilang ng Limang piraso, ay namataan mismo sa loob ng paliparan, sa Clark Air Base 

Matatandaan na ang First Batch o ang kauna unahang delivery ng nasabing S70i Blackhawk na gawa sa Poland, ay unang beses nating nasilayan nuon pang Nubyembre ng taong 2020, kung saan, bumibilang ng anim na piraso. at ang Second Batch naman ay may bilang na limang piraso, ay naideliver sa bansa nuong Hunyo ng taong kasalukuyan.  Habang ang huling Batch ay ating binabalita ngayon ay nakarating sa bansa nitong  Nubyembre 8 ng taong kasalukuyan. 

Sa kabila nga, ng pagbagsak ng isang blackhawk na kamakailan lang ay naideliver sa bansa, kung saan, nasira ito dahil sa di inaasahang aksidente. ang tinatayang kabuuang bilang ng blackhawk na dapat sana ay labing anim. ito ay nabawasan ng isa kaya't lalabas na labing lima nalamang.

Ang kabuuang halaga ng S70i Blackhawks na bumibilang ng labing anim na piraso, kung saan binili ng bago mula sa bansang Poland, ay aabot ng higit kumulang 11.5 bilyong piso (PHP11.5 billion).




Thursday, November 4, 2021

Pag-angat Ng Pilipinas Pagdating Sa Pagpapaunlad ng Teknolohiya Sa Paggawa Ng Satellite Umaarangkada

Kamusta, Isang kapapasok na balita na naman, ang aming ihahandog sa inyo.

Ito ay matapos na makailang ulit na mapagtagumpayan ng pilipinas, ang sunod sunod na pag papakawala ng satellite nito sa kalawakan. kung saan ito ay binubuo ng Maya-2 Cube satellite na nailaunch nitong Pebrero, Maya-3 at Maya-4 nitong Agosto ng taong kasalukuyan. kung saan halos tatlong taon naman ng huling ilaunch ang Diwata-2 nuong pang oktubre taong 2018.

Ilan lamang ito sa mga makasaysayang mga imbensyon, na naging possible, sa tulong ng STAMINA4Space Research and Development (R&D) Program, sa pamamagitan ng STep-UP project, na kung saan, sila ang nangunguna sa paggawa at pagdevelop ng mga Micro satellite, na malaki ang naiambag, para sa pag papaunlad, na naging matagumpay namang tinatamasa ngayon ng programa.

Tinataya naman na higit kumulang na Php 867.5 Million ang inilaang pondo ang ibinigay ng Department of Science and Technology, sa  Space Technology and Applications Mastery, Innovation, and Advancement program, o mas kilala bilang STAMINA4Space Program.

Ayon naman sa Departamento ng Syensya at Teknolohiya (DOST), inaaasahan na ang nasabing programa ay makapagbibigay, ng kakayahan ng Pilipinas na makapag develop ng sariling satellite, na maipagmamalaki sa buong mundo.