Monday, May 31, 2021

Representante ng Pilipinas Tumulak sa SOKOR Para sa Kukuhaning Submarino ng Pilipinas

Matapos nga na makailang beses ng pagdalo ng ating representante sa ibat ibang bansa para sa kaunaunahang submarino nito.

E mukhang mayroon na namang kumpanyan na pumapasok para ialok ang kanilang pambatong submarino.

Eto ay ng ang ating representante ay dumalo sa Daewoo Shipbuilding & Marine Engineering (DSME) ng South Korea, Kung saan Kasama sa pagdalo ang makita ang Korean Navy’s submarine workshops at training facilities nito.

Sinasabi rin na magkakaroon ng Submarine Education and Training Program. Kung di lang dahil sa Covid 19 na pandemya ay di sana naudlot ang nasabing pagsasanay. Anya Regular naman ang Navy to Navy talks ng bawat bansa patungkol sa  usaping submarino. 

Kung inyong matatandaan, ang bansang South Korea ay nagumpisa ng magexport ng kanilang submarino nuon pang 2011 at isa nga sa kanilang masugid na kliyente ay ang indonesia, kung saan tatlo sa kanilang submarino ay gawa sa naturang bansa.

Ang inaalok Ng Republika ng Korea ay ang 1,400 ton na Submarine nito, na nasa ilalim ng kanilang "Total Solution Package". Kung saan kasama na dito ang crew-training at ang soft-loan para sa financial na kasiguruhang na magpapatuloy ang proyekto.

Saturday, May 29, 2021

Isa sa Dalawang 94 Meters Na Multi-role Response Vessel Buo Na

Alam nyo bang may naghihintay na dalawang 94 meters Multi Role Response Vessels o MRRV ang Pilipinas... at ang isa nga dito ay ilalapag na sa tubig matapos na mabuo ang buong Hull ng barko.

Maaalalang ang paggawa ng nasabing mga barko ay iginawad sa MITSUBISHI HEAVY INDUSTRIES kung saan ang kasunduan ay pinirmahan nuong February 7, taong 2020. ang dalawang 94 meters na MRRV ay nagkakahalaga ng tumataginting na 132.57 milyong dulyar, kung saan ito ay natugunan gamit ang tulong pinansyal ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Kamakailang lang nitong december ng taong 2020, sa presensya ng mga opisyal ng MITSUBISHI HEAVY INDUSTRIES at  Japan International Cooperation Agency (JICA) naganap ang seremonya na magsisibulong ng paguumpisa ng pag gawa ng 94 meters Multi Role Response Vessels ng bansa. 

Kung saan di nga nagtagal, isa sa  94 meters na MRRV.. ay ilalaunch sa July ng taong kasalukuyan (2021). 

Inaasahan namang makukupleto ang mga barko na ginawa sa Shimonoseki Shipyard & Machinery Works sa taong mga 2022.

Tuesday, May 25, 2021

Unang Dalawa sa Anim na Pirasong T129 ATAK Helicopter Parating Na?

Matapos nga mapagkamalang fake news ang balitang Lusot na ang Pilipinas sa pagbili ng T129...  e mukhang madadagdagan naman ang pagiging mausisa ng mga ususero...

Eto ay matapos na magpagalaman na ang Departamento ng Depensa Pilipinas... ay matagal na palang nakapila para sa pag kuha ng T129 ATAK Helicopter... di lang natuloy dahil nga sa ang makinang gagamitin nito, ay nakalisensya sa Estados  Unidos.

Kung inyong maalala maka ilang beses na rin tayong tinutulan ng Estados  Unidos sa pagbili ng kanilang Military Equipmets, kung saan kasama na dito ang pag kuha natin ng T129.

Ayon sa  isang source nagsimula daw ito ng ang Turkey ay kumuha ng S400 missile na gawa ng Russia. kung kayat bilang ganti e ipinahinto ng amerika ang paggamit nito sa kanilang makina...

Ngunit, sa di inaasahang pagkakataon, matapos ang pagkahaba haba na paghihintay.  sa wakas pumayag na rin ang estados unidos na magamit ng Pilipinas ang kanilang makina gagamitin para sa kukuhaning T129.

Ayon nga sa Kilihim ng Depensa ng Pilipinas na si Secretary Delfin Lorenzana. Nakapag order na tayo ng anim na pirasong T129 ATAK helicopter. Kung saan humigit kumulang Php13.8 Bilyong Piso ang nakalaang budget para sa nasabing attack helicopter.

Sa Panahong ginagawa ng videong ito. ayon sa kalihim. Inaasahan makararating na sa Septembre ng taong ito,  ang unang batch na dalawang T129. at ang natitirang apat ay maidedeliver naman sa susnod pang mga taon..


Monday, May 24, 2021

10 Blackhawk Paparating Na?

Naaalala nyo pa ba?, ang Blackhawks ng Pilipinas?... Sa Panahong ginagawa ang videong ito, May roon ng anim na aktibong units na S70i Black hawks ang Hukbong Sandatahan ng Panghimpapawid ng Bansa...

Makailang beses na rin itong nakikitang naghahatid ng mga medical personnel at vaccine sa gitna ng nagaganap na pandemya. kung saan namataan na rin itong na nagdala ng mga supplies sa mga sundalo sa gitna ng operasyon... na kung saan kadalasan nangyayari ito sa mga lugar na mahirap marating, tulad nalang ng kabundukan at masukal na kagubatan.

Kamakailan lang.. Ibinida ng Kalihim ng Departamento ng Depensa na walang iba kundi si Secretary Delfin Lorenzana, ang Blackhawk S-70i's na gamit ng Philippine Air Force (PAF), kung saan ito ay kanilang ginagamit sa combat at non combat na mga mission..

Ayon sa kalihim, ang nasabing mga Blackhawks, simula ng ito ay pumasok sa serbisyo.. bumilis ang kanilang pamamaraan ng transportasyon, kung saan malaki ang naitulong nito dahil nga, halos doble ang kapasidad nito kesa sa pinalitang huey helikopter. At higit sa lahat malaki rin ang naiambag ng moderno at advance ang flight systems nito dahil nga kaya nitong magpalipad kahit na sa madilim at masama na panahon.

Sinabi rin ng kalihim na ang natitira pang sampu sa disi sais na 16 units ng blackhawks, ay inaasahan namang makakarating  sa mga susunod na buwan ng taong ito.

Sunday, May 23, 2021

Pilipinas nagpadal ng Piloto para sa T129 ATAk Helicopter

Matapos na lumabas ang balita na ang Pilipinas ay lusot na sa pagkuha ng T129 ATAK Helicopter ng Turkey. Meron nanamang panibagong balita na lumulutang, kung saan ito ay Lubos na ikasusurpresa nyo.

Maaalang ang United States kamakailan lang ayInaprubahan ang Export Licenses sa Turkey ng makinang gagamitin nito para sa T129 ATAK Helicopter. Kung saan, ito ang magbibigay daan sa Pilipinas na makakuha ng nasabing ATAK Helicopter.

At matapos nga nyan. Isang Balita na naman ang lumutang. Ito ay kung saan, isang imahe na nanggaling sa isang social media, na nagpapakita ng grupo ng mga piloto suot ang uniporme ng Philippine Air Force. Ayon sa Caption ng nasabing imahe sa social media, Isang Send Off ng grupo ng mga Piloto katabi ng T129 Helciopter na kung saan makikita sa bandang ibaba ang buwan at taon na ang mga piloto ay mananatili sa nasabing bansang pagkukunan ng T129. Lumalabas dito na pinapakita na ang Pilipinas ay magpapadala ng grupo ng mga piloto upang magsanay para sa pagpapalipad ng T129 sa bansang Turkey.

Sinasabi rin anya ng isang social media, na posibleng nag kasundo na nga ang Pilipinas at bansa Turkey para sa paggawa ng nasabing T129 ATAK Helicopter. na bumibilang ng 6 o higit pang mga units nito.