Tuesday, December 21, 2021

Modernong Mga Tanke Lalapag sa Pilipinas

Ang Armed Forces Of The Philippines ay inaasahana na, ang pagdating ng mga modernong tanke nito, kung saan, isa ang mga ito sa mga pinaka hihintay na nakapilang  Acquisition ng Hukbong Sandatahan Lakas ng Bansa.

Anya, ang kauna unahang modernong tanke na mag bibigay ng karagdagang lakas sa ating mga kasundaluhan, ay nakatakda dumating sa bansa.

Ayon na rin sa AFP, ang 20 piraso na Tanke na mag nagmumula pa sa bansang Israel,ay nakatakdang mapabilang sa Armor Division ng Philippine Army, sakali mang ito makalapag sa bansa.

Ayon kay Lt. Col. Zam Taguba ng public affairs officer ng Armor Division,

“Currently we have more than 400 APCs of different variants like Simba Fighting Vehicle, V150 commando, Armored Infantry Fighting vehicle, and the M113 A1 and A2. 

The Sabrah Ascod and Pandur light tanks are the first modern tanks we will have postwar era”.

Ang nasabing Modernong Tanke na nagmula pa sa Bansa sa Israel ay walang iba kundi anf Sabrah ASCOD Light Tanks na may 105 milimeter guns, Habang ang isa ang Pandur II Armored Personnel Carriers na kung saan meron namang 105 milimeter cannon.

Inaaasahan naman na ang mga Modernong Tanke na Binili ng Pilipinas, ay makakarating sa bansa, ngayung buwan ng disyembre ng taong kasalukuyan.

Monday, December 20, 2021

OPV's Ng Pilipinas Lusot Na

Maaalala, nitong nakaraang mga buwan ay makailang ulit na rin binabalita ang Acquisition ng Off-Shore Patrol Vessel, nguni't sa di malalamang kadahilanan, ay wala paring kunkretong resulta kung matutuloy nga ba ang nasabing pagkuha.

Hanggang nitong nakaraang martes nga ng disyembre 9 taong kasalukuyan,sa di inaasahang pagkakataon, inihayag ng gobyerno na ang Off-Shore Patrol Vessel na matagal ng pinaplanong kunin, ay mukhang mabibigyan na ng liwanag.

Ito ay ng ang mismong Departamento na responsable sa pamamahala para sa mga pinag lalaanan, o mas kilala sa Department of Budget and Management ay naglaan na ng pondo  para sa pagkuha ng Off-Shore Patrol Vessel ng Pilipinas.

Anya, sinasabing ang OPV's na kukuhanin, ay gagawin mismo dito sa bansa, kung saan alin sundon sa pinagkasunduang specification, ito dapat ay may kakayahang na mag lulan ng hindi baba sa 52 na mandaragat, habang kargado ng (76 mm) seventy six milimiter machine guns at dalawang twenty five milimeter remote controlled weapon systems. 

Ang nasabing disinyo ng Off-Shore Patrol Vessel ng Pilipinas, ay ibinase sa barko na minsan na ring inilabas ng  Austal, isang kumpanya mula sa bansang Australia. Kung saan ang barko ay aabot sa haba ng 83.4 meters at lapad na 4 meters. may bilis na di lalampas sa 40.7 kilometers per hour na kayang malayo ng 6,482 kilometers.

Ang OPV's ay nakatakdang humalili sa mga barko natin na nagmula pa sa panahon ng ikalawang digmaang pandaig digan, na tulad na nga lang ng Malvar Class Patrol Corvettes.

Tinatayang higit kumulang PHP 35 billion (35 bilyong piso) ang kabuuang halaga ng Anim na pirasong 83.4 meters Off-Shore Patrol Vessel, kung saan inaasahan naman na mauumpisahan ang paggawa matapos nga ang termino ng kasalukuyang administrasyon.



Saturday, December 18, 2021

32 Units Ng S70i Blackhawks Nakapaglaan Na Ng Budget

Ito ay matapos na ang Departamento ng Depensa ng Bansa ay nagpahayag, na ang Hukbong Pang Himpapawid ng Bansa, ay muling makakakuha ng S-70i Blackhawk Helicopters, kung saan di lang isang dusena, kundi 32 piraso na blackhawk helicopters, ang muling kukuhanin sa bansang Poland.

Ayon mismo sa pahayag ng Kalihim ng Depensa ng Bansa, na walang iba kundi si Secretary Delfin Lorenzana, Ang Department of Budget and Management ay naglaan na ng Higit kumulang 32 bilyong piso (PHP 32 billion) para sa 32 units na S70i blackhawk helicopter sa manufacturer nitong PZL Mielec sa Bansang Poland.

Ang nasabing Pagkuha bukod pa sa 15 units na kakarating lang sa bansa nitong nakaraang buwan, ay upang mapalitan ang mga beteranong UH-1 Bell Huey Helicopters na nag mula sa America, matapos nga ng deka dekada nitong serbisyon sa bansa na kung saan makailang beses na rin itong sumabak sa iba't ibang klaseng operasyon, kabilang na ang maraming buhay ng sundalo na nailigtas nito.


Ayon sa kalihim, “The President said to just buy new helicopters so we can finally retire our Hueys, because a number of our crew had died while flying Hueys,”

Anya mas maraming helicopters sa military fleet ang magpapagaan ng trabaho ng mga sundalo kung saan di na kailangan maglakad at umakyat ng pag ka layo layo para lang makarating sa lugar ng operasyon.

dagdag pa ng kalihim. “We no longer need to bring food provisions, because resupply will be easier. It all boils down to this synergy of our forces,”

Inaaasahan naman na matapos nga mapondohan ng Department of Budget and Management ang higit kumulang 32 pirasong Blackhawk Helicopter na muling kukuhanin sa bansang Poland, ito ay makararating sa bansa sa mga susunod na buwan o taon.


  


Friday, December 17, 2021

BRP Gregorio Del Pilar 70 Percent ng Gawa

Ito ay matapos na ang isa sa dalawang del pilar class offshore patrol vessel, ay inaaasahan ng muling sumabak sa gitna ng karagatan.

Ayon sa pambansang pahayagan, at sa tagapagsalita ng hukbong Dagat anya, 

"The ship's repair is already 70 percent complete, with an estimated completion date around the last week of December 2021,"

Ang BRP Gregorio Del Pilar PS-15 ay Pitong pung pursyento ng kumpleto. kung saan, nitong Nobyembre lang, ay nagsagawa pa ang nasabing warship na magkaroon ng Dock and Sea Trials.

Sa kabila nga ng nasabing pagsasa ayos sa barko, ayon na rin sa tagapag salita ng Philippine Navy na si Spokesperson Commander Benjo Negranza.

"Another sea trial will be scheduled upon correction of noted deficiencies (if any) found on the previous sea trial,"

Maaalala na ang nasabing warship ng bansa na BRP Gregorio Del Pilar ay minsan ng naglayag sa Hasa-Hasa Shoal nuong Agosto ng taong 2018, kung saan ito ay di inaasahang sumadsad na nagresulta ng pakasira ng isa sa dalawang variable pitch propellers nito kasama na ang propeller hub.



Thursday, December 16, 2021

Dalawang Bagong Warships Na Bibilhin Lusot Na

Maaalang matagal tagal na rin nating naibabalita ang patungkol sa pag kuha ng pilipinas, sa bagong Missile Corvette. Kung saan di nga nagtagal, ang dating paulit ulit na binabalita ay mukhang dito na matutuldukan.

Ayon mismo sa kalihim ng Departamento, ng Pilipinas na walang iba kundi si Secretary Delfin Lorenzana, inihayag nya na ang 15 pursyentong kabayaran para sa paggawa ng nasabi na kukuhaning Missile Corvette ng Bansa, ay nailabas na.

"We have been waiting for this for the procurement process to proceed," 

The SARO worth PHP3.75 billion is intended to "cover the funding requirements for the 15 percent advance payment for the CAP of the PN under the Revised Armed Forces of the Philippines Modernization Program."  "Our target is before the year ends,"

Anya, Ang pagkuha ng dalawang missile-armed corvette na ito ay ginawa upang i-backstop ang dalawang bagong frigate na nakuha mula sa South Korean shipbuilder na Hyundai Heavy Industries.

"di pa naman napirmahan sa Hyundai, pero yun ang gusto ng Navy dahil para iisa lang ang gagawa ng ating frigates tsaka 'yung corvettes. Para yung sistema nila is pare-pareho, yung mga parts, whatever, interoperability para kung may masira, madali lang ma-repair, dagdag ng kalihim.

Sinasabi na ang badyet para sa CAP o Corvette Acquisiton Program ay Pinale na,at ito ay binubuo ng dalawang modernong corvette, kung saan humigit-kumulang 28 bilyon piso (PHP 28 Billion) ang tinatayang halaga na naka laang budget sa nasabing acquisiton.      

Inaaasahan naman anya, na sa katapusan ng taon ding ito ay uumpisahan na ang proseso para sa paggawa ng nasabing missile corvettes ng bansa.


Wednesday, December 15, 2021

T129 Attack Helicopter Ng Pilipinas Pinasilip

Departamento ng Depensa ng Bansa Ipinasilip ang atak helicopter na nabili nito sa bansang turkey. Ito ay matapos lumabas ang isang imahe ng nasabing helicopter sa mismong opisyal social media page ng departamento.

Makikita sa nasabing pahina, ang ilang grupo ng mga pilotong pilipino sakay ng isang atak helicopter na pawang naghahanda para sa pag lipad. Mapapansin rin, na ang dalawang sakyang panghimpapawid, ay pawang armado ng matataas na kalibre, na tulad nalang ng 20 mm three-barrel rotary cannon na makikita sa nguso ng helicopter,kung saan ito may kapasidad na 500 na bala, habang sa bandang tagiliran naman ay mapapansin rin ang isang rocket pods na kayang mag laman ng Apat na 70 mm rockets bawat isang pods nito.

Lumalabas nga, na ang napiling kulay para sa T129 ATAK Helicopter ng bansa ay ang matingkad berde o khaki, kung saan marahil, kaya ito ang napili, ay upang madali itong  mag tago sa gitna ng operasyon, sakali mang ito ay kinakailangang lumapag sa kagubatan.

Inaaasahan naman, na matapos itong makalapag sa bansa, bukod nga sa Dalawang Cobra Attack helicopter ng Donasyon ng bansang Jordan, ang mga nasabing helicopter ay karagadagan muli ng pwerse, na kung saan ang mga ito ay mapupunta sa 15th Strike Wing ng Philippine Air Force.

Ayon narin sa ating ibinalita kamakailan lang, Ang Dalawa sa Anim na kabuang binili na T129 ng Pilipinas ay makararating ngayong buwan mismo ng Disyembre. 


 

Monday, December 13, 2021

Higit Kumulang Isang Dosenang Heavy Lift Helicopter Mula Russia Hinihintay Nalang Ang Pagdating

Kalihim ng Depensa ng Bansa nag hayag na ang Hukbong Panghihimpapawid ng Pilipinas, ay makakakuha na ng Heavy Lift Helicopter. 

Ito ay matapos na, ang maibigay ang paunang bayad nito sa bansa na kilala pagdating sa paggawa ng nasabing pang malakasang helicopter.

Ayon mismo ng pahayag ng kalihim ng Pilipinas, nitong kinagabihan ng ika pito ng disyembre, " the down payment for the heavy-lift helicopters, I think will be paid soon so that we will have the heavy-lift helicopter, Mi-17, of Russia. Malaking helicopter po iyon,". 

Matatandaan, nitong mga nakaraang taon, ay mag pag uusap na patungkol sa kukuhaning Heavy lift helicopter, kung saan isa nga mga binigyang diin na kukuhanin, ay ang Mil MI-171 na mula sa Russia.

Ang Platform na Heavy Lift Helicopter ng mga Ruso ay minsan narin nakilala, dahil nga sa kahanga hangang kakayahan nitong maglulan ng di bababa sa 37 ng sundalo sabay sabay.

Pagdating naman sa proteksyon ng Mi-171, masasabing malaking ang inimprub nito, bukod nga sa pupwede itong lagyan ng rocket pods, ay may roon din itong infrared decoy system, at higit sa lahat, napapalibutan ang nasabing helicopter ng armor plating, lalo na ang makinang bahagi nito. 

Ayon sa departamento, lumalabas na 16 na MI-171 kasama ang isang libreng na VIP Helicopter ang kabuang makukuha ng bansa sa Russia, kung saan higit kumulang na (PHP 12.8 Billion) 12 bilyon at walong daang milyong piso ang tinatayang nalaang budget para sa nasabing acquisition.

Bagamat wala paring eksaktong petsa, inaaasahan naman na sa mga susunod na buwan ay makararating ang nasabing mga helicopter na gawa sa bansang Russia.

Sunday, December 12, 2021

T129 ATAK Helicopter Malakas Pa Sa Apache?

Isang na namang kapa nabiknabik na balita ang muli naming ihahatid sa inyo.. Tulad nga ng mga nakaraan nating naiulat. Ang departamento ng depensa ng pilipinas ay inihayag, na parating na nga ang T129 ATAK helicopter na binili mula sa bansang turkey.

Kung saan, ito ay nabili ng higit kumulang na (Php 12.9 Billion) 12 bilyon at siyam na raang milyong pisong halaga ng kabuuang anim na bagong bago na T129, at anya, hinihinalang mas advance pa sa Apache helicopter na gawa sa bansang amerika.



Ang nasabing atak helicopter ay ang isang bersyong ng A129 Mangusta na mas advance na disensyo. kung saan ang kakayahan nito ay tugma sa isang advanced attack at reconnaissance mission helicopter.

Ayon sa tagapagsalita ng depensa ng bansa na walang iba kundi si Spokesperson Arsenio Andolong, na ang mga nasabing nabili na T129 mula sa Turkish Aerospace Industries ay makakarating na sa bansa.

Anya, Lumalabas na ang dalawang pirasong T129 ATAK helicopter, na mas advance platform ng Agusta A129 ay inaasahang mararating sa bansa ngayong disyembre.