Wednesday, June 30, 2021

Philippine Coast Guard Nagsagawa ng Towing and Rescue Operation Exercise

Ang Philippine Coast Guard ay nag sagawa ng Towing at Rescue  Operation Exercise. Kung saan ang BRP Gabriela Silang na kilala bilang pinaka malaking Aluminum Offshore Patrol Vessel sa Mundo ay makikita sa gitna ng isinasagawang opersyon. 

Ito ay naganap habang  bumibiyahe pabalik sa Maynila upang magreplenish ng supplies at bilang paghahanda na rin sa mga susunod pa nitong misyon.

Maaalang Nuong nakaraang linggo sa ilalim ng Task Force Pagsasanay ang BRP Gabreila Silang ay sumailalim sa ANTI-TERRORISM at ANTI-PIRACY TRAINING. Kung saan ito ay naganap sa Zamboanga Peninsula sa Basilan, Sulu, at Tawi-tawi. 

Tuesday, June 29, 2021

T129 ATAK Helicopter Paparating Na | Alamin Kung Kailan?

 Alam nyo ba na.... Na paparating na ang ating T129 Atak Helicopter? Tama kayo sa inyong narinig..

Ito matapos na ang Department of National Defense (DND) at Philippine Air Force (PAF) ay inanunsyo na ang Pilipinas ay Lumusot na sa Pag kuha ng Attack Helicopter na gawa sa Turkey.

Kung inyong maaalala makailang beses na rin itong hinadlangan sa pamamagitan ng  di pag payag na magamit ang  LHTEC T800-4A turboshaft engines na naka lisensya sa Estados Unidos.

Ngunit dahil nga sa di inaasahan pagkakataon... at bigla nalang nag iba ang ihip ng hangin. Ito ay matapos na inunsyo mismo ng turkish aerospace ang kumpanyang gagawa sa nasabing kukuhaning helicopter na ang makinang gagamiting nakalisensya sa Amerika ay himalang pumayag na iangkat para magamit ng Pilipinas sa kukuhanin nitong Attack Helicopter.

Ang nasabing Acquisition T129 helicopter para sa Philippine Air Force na may kabuuang anim piraso ay nagkakahalag ng tumataginting na US$ 269 Milyong Dulyar kung saan ang kontrata ay nasa ilalim ng Government To Government na paguusap.

Inaasahan naman na makakarating sa bansa ang dalawa sa anim na t129 Atak helicopter sa buwan ng Septyembre sa taong kasalukuyan (2021). habang dalawa muli sa buwan ng Pebrero taong 2022. at ang natitirang dalawa ay makakarating sa taong 2023.

Monday, June 28, 2021

US Umaasa pa rin na Mapipili ng Pilipinas ang Kanilang F16

United States di pa rin nawalan ng pag asa na mapili ng Pilipinas ang kanilang F16. 

Ito ay matapos ng aprubahan ang kanilang inaalok na f16 variants. kung saan inaasahang ito ay aabot ng Dalawang Bilyon at Apat na raan Tatlompung Milyong dulyar (US$ 2.43 Billion).

Sinasabi rin ng US Defense Security Cooperation Agency (UDSCA) na naideliver na nuong June 14 ang sertipikasyon ng pagpapaalam sa US Congress para sa pag kuha ng Pilipinas ng nasabing F16.

Inaasahan naman na aabot ng sampung pirasong (10) F-16C Block 70/72 at dalawang (2) F-16D Block 70/72, kasama ang ibang ibang klaseng spare parts at munition nito. Kung saan sinasabin ring aprubado na ang pag angkat ng sidewinder at harpoon ammunition para sa nasabing eroplano.

Friday, June 25, 2021

Paparating na mga Tanke na binili ng Philippine Army sa Israel Alamin

Alam nyo ba? na may paparating tayong mga tanke? Tama ang inyong nabasa...

Ang nasabing paparating mga tanke ay nag simula ng nagmagkarron ng programa patungkol sa pagkuha ng mga makabagong tangke sa ilalim ng Revise Armed Forces Of the Philippine Modernization Program (RAFPMP).

Sinasabing simula nga ng isa isang narelease ang SARO o Special Allotment Release Order para sa nasabing mga tanke na sinumulan nuong Oktubre taong 2020 ay sinisiguradong tuloy na tuloy ang pagkuha ng makabagong tanke para sa Philippine Army.

Ito ang mga sumusunod na tankeng Kukuhanin: 

-Disi Otyong (18) Sabrah ASCOD 2 Tracked Tanks

-Sampung (10) Sabrah Pandur 2 8x8 Wheeled Tanks

-Isang (1) ASCOD 2 Armored Command Vehicle

-Isang (1) ASCOD 2 Recovery Vehicle

Ang mga nasabing tanke ay aarmasan ng 105mm gun Elbit Turret, E lynX SDR, Torch-X BMS, at ibang karagdagang mga Equipment na provided ng Elbit Systems.

Ang Kontrata ng nasabing kukuhaning tangke ay napanalunan ng kumpanyang Elbit Systems ng Bansang Israel na kilala sa paggawa ng Armas at Ibat ibang Klaseng Military Equipments. Kung saan ang nasabing Tank Acquisition ay nagkakahalaga ng tumataginting na US$ 172 Million.

Inaasahang mga nasabing Kukuhaning mga Tanke ay makakarating sa taong 2022.

Wednesday, June 23, 2021

Isang Black Hawk Helicopter ng Philippine Air Force Bumagsak

Isang Nakakalungkot na balita. Isa sa Black Hawk Helicopter ng Pilipnas, Bumagsak. 

Ito ay matapos na magkaroon ng Night Flying Proficiency bilang parte ng pag sasanay ng mga piloto at crews nito. Ito ay para mapaghandaan at matulungan ang front line units sa tuwing meron itong misyon.

Nangyari ang nasabing aksidente ng ito ay Lumipad galing sa Clark Air Base ng mga alas otso ng gabi (8:00 PM) para nga sa nasabing pagsasanay. at ng kalaunan  ng ito ay hindi na macontact bandang alas dyes ng gabi (10:00 PM) dito na nag alala ang pamunuan na namamahala ng nasabing pagsasanay. Kung saan pinangangambahan na ang nasabing BlackHawks ng kabibili lng nuong nakaraang taon ay posible nga bumagsak.

Sa kasamaang palad, di nga nagkamali ang pamunuan ng nasabing pagsasanay. ito matapos nga na, mag padala ng retrieval and recovery operasyon para sa nawawalang blackhawks helicopter.

At ayon sa balita, nakita na ang nasabing helicopter. at sa kasamaang palad. Ayon sa Philippine Air Force ang nasabing Blackhawks ay idiniklara ng Bumagsak at walang ngang nakaligtas mi isa sa mga sakay nito.

Sunday, June 20, 2021

Korean Shipbuilder Malaki ang Pontensyal na Mapiling Gumawa ng Kauna unahang Submarino ng Pilipinas

Isang balita na naman ang inyong Ikasusurpresa. Ito ay matapos na ang Representante ng Pilipinas ay nagtungo sa South Korea kung saan kamakailan lang ito ay napabalitang dumalo para sa isang pagsusuri ng mga shipbuilders na gagawa ng ating kauna unahang submarino.

Ang nasabing paggawaan ng barko na dinaluhan ng ating representante kamakailan lang ay ang (DSME) o mas kilala bilang Daewoo Shipbuilding & Marine Engineering ng South Korea, Kung saan kasama sa pagdalo ang makita ang Korean Navy’s Submarine Workshops at Training Facilities nito.

Ayon sa tagapagsalita ng nasabing kumpanya. Malaki ang posibilidad na ang tinutukoy na submarinong gagawin para sa bansang pilipinas ay ang mas advance na DSME 1400 submarine.

Ang nasabing submarino ng DSME ay may 1,400 toniladang bigat kung saan ito ay nasa ilalim ng kanilang "Total Solution Package". kasama na dito ang crew-training at ang soft-loan para sa financial na kasiguruhang na magpapatuloy ang proyekto.

Sinasabi rin na matapos nga ang pag susuri. ang nasabing kumpanya ay malaki ang potensyal na mapili. kung saan anya ang submarinong gagawin ay tugma sa klasipikasyong nababagay sa ating Philippine Navy.

Saturday, June 19, 2021

BRP Gabriela Silang at Tatlong Air Assets ng PCG Sasabak sa Ikatlong Maritime Exercise Nito

Ang Pinakamalaking Vessel ng Philippine Coast Guard na BRP Gabriela Silang ay naghahanda na sa ikatlo nitong Maritime Exercise. Kung saan kasama nga dito ang tatlong air assets ng PCG.

Ang nasabing pagsasanay kung saan inaasahang ito ay magbibigay sa PCG ng kahandaan sakali mang mag karoon ng kalamidad o di kaya ay sakuna.

At ito nga ay gaganapin sa Hunyo a disi otso (18) ng taong kasalukuyan (2021). Ang nasabing Maritime Exercise ay pasisinayaan ng mga tauhan ng PCG at kanilang BRP Gabriela Silang kasama ang dalawang (2) Airbus Helicopters na may tail number na CGH-1451 at CGH-1452 na kamakailan lang ay nabili sa bansang Germany  at isang aircraft nito na BN Islander Plane na may tail number PCG-251.


Friday, June 18, 2021

BRP Antonio Luna FF151 Sumabak na sa West Philippine Sea

 Matapos nga dumating sa bansa ang BRP Antonio Luna ng Pebrero a singko (5) ng taong kasalukuyan (2021). kung saan ang mga marino sakay ng nasabing Missile Frigate ay dumaan sa labing limang araw na kwurantina. 

At matapos nga makumpleto ang higit isang linggong kwarantina, ay sumailalim naman ito sa isang selebrasyon kung saan ito ay formal ng kinumisyon ng Hukbong dagat ng Pilipinas sa South Harbor ng Maynila nitong Marso a dose ng taong ding ito (2021).

Mga ilang buwan ang lumipas matapos itong makumisyon. Nitong a dyes ng Hunyo, Ang BRP Antonio Luna ay naglayag para sa panibagong pakikibaka nito sa karagatan. ito ay kung saan ang nasabing Missile Frigate ay inatasan na magtungo sa West Philippine Sea bilang kauna unahang misyon nito.

Tuesday, June 15, 2021

FA-50PH Fighter Jets Namataang Kasabay Ang C295 Tactical Airlift sa Araw ng Ika-123 Kalayaan ng Pilipinas

Isang kahanga hangang eksena ang namataan. matapos nga na makita ang FA-50 Fighter Jets ng Pilipinas kasabay ang C-295 Tactical Airlift ng Philippine Air Force.

Ito ay ng ang myebro ng National Task Force for the West Philippine Sea sa Pamumuno ni NTF-WPS Chairperson and National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr. ay personal na pinaunlakan ang Aerial Patrol Operation sa okasyon mismo ng ika-123 na Anibersyo ng Kalayaan ng Pilipinas at pati na rin ang paggunita sa inagurasyon ng Philippine Rise.

Makikita ang dalawang FA-50 Fighter Jets Aircraft na kasabay na sinamahan ang C-295 Tactical Airlift. sakay sakay ang myembro ng  National Task Force for the West Philippine Sea. 

Monday, June 14, 2021

24 Units ng A-29B Super Tucano ng Pilipinas Inaasahang Makukumpleto

Isa Magandang Balita na naman ang ating nasagap. Ito ay matapos na ang Philippine Air Force ay inaasahan ng magkakatangap muli ng karagadan pang A-29B Super Tucanos. 

Maaalalang ang anim (6) na unang batch ng super tucano ay dumating sa bansa nitong nakaraang Oktubre ng nakaraang taong 2020. Kung saan ito ay kinumisyon sa ilalim ng serbisyo ng 15th strike wing ng Philippine Air Force...

Ayon sa panibagong kumakalat ng balita. At ayon narin sa ating pinagkakatiwalaang source... Bukod sa anim (6) na super tucano na meron tayo sa ngayon. inaasahan na isang dosena (12) pa na karagdagang super tucano ang makarating sa bansa sa taong 2022. at susundan pa ito ng anim na piraso sa taon naman ng 2024... kung saan ang magiging kabuuang bilang ng nasabing eroplano gawa sa brazil ay aabot ng Bente Kwatrong (24) Piraso na A-29B Super Tucanos..

Ang nasabing Acquisition ng Super Tucano ay nakapaloob sa Revised Armed Forces of the Philippines Modernization Program (AFPMP). Kung saan tinatayang higit isang dekada ang aabutin ng nasabing proyekto. Kung saan ito nga ay inaasahan magtatapos sa taong 2024. 

Tuesday, June 8, 2021

Dumating na Ang Karagdagang Blackhawks ng Philippine Air Force

Mukhang bumabaha nanaman tayo ng mga balita, patungkol sa blackhawks na binili ng Pilipinas mula sa bansang Poland.

Ito ay matapos na, may mga imahe na kumakalat sa social media, ng ang isang eroplano na naglalabas ng mga helicopter kanyang harapan.

Ang nasabing eroplano ay walang iba kundi ang Antonov  An-124 100M. na  kalalapag lang sa Clark Air Base sa Pampanga, nitong lunes ng June 7, taong 2021.. 

Minsan narin itong naghatid ng unang batch ng limang pirasong Blackhawk helicopter, nuong nakaraang December 10, ng taong 2020 , at sa muling pagpapakita nito. mukhang ito na ang hudyat ng panibagong delivery na naman blackhawks.

Sa kabila nga lahat, hindi nga tayo nga nagkamali.. matapos kumpirmahin mismo ng Philippine Air Force na ang laman ng nasabing karating lang na Antonov  An-124 ay ang ikalawang batch ng limang blackhawks.

Ang nasabing mga Blackhawks ay inaasahan dadating pa sa buwan ng July taong 2021, ngunit sa hindi malamang kadahilan ito ay dumating ng June 7 taong kasalukuyan, mas maaga ito ng isang buwan mula sa orihinal nitong schedule.

Ang natitira namang ikatlo at huling Batch ng Limang (5) Blackhawks, ay inaasahang dadating, bago o sa katapusan ng September taong Kasalukuyan.

Sa panahong ginagawa ang videong ito, tayo ay may labing isang Blackhawk S70i Helicopter na, kung saan Limang piraso nalang ang kinakailangan para makumpleto ang buong disi sais (16) na bilang ng Blackhawks ng Pilipinas na binili mula sa bansang Poland.

Friday, June 4, 2021

16 Units na Mi 171 Heavy Lift Helicopter ng Pilipinas at Isang Libreng VVIP Helicopter Lusot May Libre Pang Isa

Isang matinding rebelasyon ang aasahan, matapos nga dumating ang isang balitang ikagugulat nyo.

Eto ay matapos na ang presidente ng Pilipinas at Russia ay nag usap sa Telesummit. Kung saan ang pag uusap ay naging matagumpay. dahil nga bukod sa dunasyong Bakuna na SputniK V ibinigay ng bansang Russia, e mukhang meron pang isang balita, na talaga namang ikatutuwa nyo.  

Ang Heavy Lift Helicopter Acquisition ng bansa na dati ay pinapangarap lang ngayon ay magiging katotohanan na. Matapos nga na mismong inanunsyo ng ating mahal na presidente na ang 16 units na Mi-171 Helicopters ay positibong makukuha ng bansa. 

Maaalalang nagkaroon ng paguusap ang dalawang bansa patungkol sa pagkuha ng heavy lift helicopter, kung saan nuong March 20,2020 ang deligasyon ng pilipinas ay tumulak sa bansa russia upang makita mismo ang nasabing kukuhaning Helicopter.

At matapos nga ng pagbisita, ang department of Budget and Management ay nag released agad ng 15% downpayment na nagkakahalaga tumataginting na Php 1.9 Billion. Kung saan ang kabuuang babayan para sa 16 units ng Mi-171 na gawa sa bansang Russia ay nagkakahalaga ng Tumataginting na Php 12.8 Billion kasama na dito ang libreng VVIP helicopters para sa presidente.

Inaasahan naman,na ang kukuhaning Mi 171 Heavy helicopter, kapag napirmhan na ang kuntrata, anya ito ay makakarating sa bansa sa lalong madaling panahon

Thursday, June 3, 2021

Multi Role Fighter ng Pilipinas Sinisikreto Ang Pagdating?

Ang Multi-Role Fighter ng Pilipinas? Sadyang sinikreto?. Bakit nga ba?.. Halinat ating alamin, kayat tumutok sa ating Toppick...

Nuong May 21, 2021 ayon mismo sa kalihim ng depensa ng bansa na si Secretary Delfin Lorenzana. Inanunsyo nito na sinisigurado nya na ang pagkuha ng Multi Role Figther ng Pilipinas ay nasa tamang Direksyon.

Maaalalang na ang evaluation ng paghahanap ng MRF ay nasa huling yugto na. Mula sa apat na contenders ay bumagsak ito sa dalawang huling natitirang pagpipilian, Kung saan isa nga dito ang F16. ang nasabing MRF na gawa sa bansang Amerika, bukod nga sa ito ay maykalumaan e magastos din pati ang maintenance nito. 

Habang ang Saab Jas 39  Gripen na kung saan kasama sa Huling natitirang pag pipilian ay sadyang makikitaan ng potensyal bukod nga sa may kamurahan di hamak na man na mas moderno ito kesa sa kakumpitensya nitong f16. masasabi ring praktikal ang pag papalipad nito at pagdating sa maintenance, mura na, mas bilis at madali pa ang pag sasa ayos dito.

Ang dalawang mag kakumpitensyang MRF na huling pagpipilian, pag dating naman sa  mga tuntunin at kudisyones ng paggamit. sakali mang F16 ang kukuhanin, dahil ito ay gawa ng amerika asahan na na magkakaroon ng paghahalang kung sakasaling ang paggamit nito ay di naayon sa kanilang kagustuhan. Habang ang Jas 39 Gripen naman ay nanatiling may kaluwagan pagdating sa tuntunin at kudisyones ng paggamit. kahit nga na ang pyesa ng eroplano ay halos gawa sa kanilang bansa. e masasabi paring patas ang Terms and Conditions nito pagdating sa pagexport ng kanilang Military Equipments.

Ang nasabing MRF acquistion, dahil nga sa papalapit na ang election. at mukhang rin na nagsisilabasan ang hudas sa administrasyon.e minabuti itong isikreto muna, upang muli ay di mapurnada na gaya nalang ng madalas ng yayari kapag nagpapalit na ng adminstrasyon.

Wednesday, June 2, 2021

Missile Armed Corvette ng Pilipinas South Korea ang Gagawa?

Matapos nga bumisita ang ating representante sa South Korea para paunlakan ang isang imbitasyon para sa isang Military Program nito.. napagalaman na isa sa mga pinag usapan ay ang pagkuha ng Missile Armed Corvette ng Pilipinas..


Ito ay ayon mismo sa tagapagsalita ng depensa ng bansa na si Spokesperson Arsenio Andolong. Ang nasabing Procurement bukod nga sa submarinong kukuhanin, malaking posibilidad na kasama na rin sa programa ang Acquisition ng Missile Armed Corvettes.

Anya ang pag uusap sa pagitan ng dalawang bansa ay naka turo patungo sa direksyon ng Military Cooperation na tulad ng pag kuha Submarino at Corvettes.

Tuesday, June 1, 2021

Pagdating ng 10 units na S70i Blackhawks ng Pilipinas Schedule Ipinakita

 Ang Sampu pang natitira sa 16 units na S70i Blackhawk Helcopters ng Plipinas, ay naka schedule na dumating... eto a matapos na ianunsyo mismo ng Kalihim ng depensa ng bansa na walang iba kundi si Secretary Delfin Lorenzana.

Ayon sa kalihim ang schedule ng delivery ng air assets na nabili natin sa Poland ay nasa tamang direksyon.

Anya ito ay matapos na paunang makarating ang unang anim na piraso nito nuong Nobyembre ng taong 2020. malaki na ang naiambag nito ng ito ay pumasok sa serbisyo, kung saan madalas itong mamataang na naghahatid ng mga bakuna para sa covid 19 at maging mga sangay ng pamahalaan at military officers.

Ang nasabing air assets na nabili sa Poland na nagkakahalaga ng tumataginting na $241 Million para sa kabuang disi sais na S70i BlackHawk helicopter.

At ayon nga sa Kalihim ng Depensa ng bansa, sinabi nya mismo na ang lima S70i ay makararating na, sa buwan ng July, habang ang natitira pang lima ay maidedeliver sa buwan ng September taong kasalukuyan (2021).