Ang Republika ng Pransya sa pamamagitan ng French National Treasury nito ay nakahandang pondohan ang pagkuha ng Philippine Merchant Marine Academy ng isang Multi Role Training Vessel sa pamamagitan ng Government to Government Transaction.
Ang anunsyo ay ginawa sa pamamagitan ni Michele Boccoz, Ambassador of the Republic of France sa Pilipinas sa kanyang pagbisita sa Philippine Merchant Marine Academy noong Setyembre 23, 2021.
Nilalayon ng PMMA MRTV Project na makapag acquire ng isang 84 Meter Aluminium Hull, Diesel Electric Hybrid Multi Role Training Vessel na may kasamang 5-taong Integrated Logistics Support for Maintenance, kung saan ang nasabing departamento ay magsasanay, Anya, di lamang para sa kadete ng PMMA, kundi pati na rin, mga kadete mula sa iba't ibang maritime institusyon, kung saan ito magbibigay ng mas mataas na edukasyon bilang bahagi ng kinakailangan ng STCW Convention sa 12 buwan na yugto ng dagat para sa BS Marine Transportation at Marine Engineering.
Tinatayang 4.5 bilyong piso ang nasabing halaga ng nasabing vessel. Inaaasahan na sa katapusan ng taong 2022 ay uumpisahan na ang keel laying ng PMMA TRAINING SHIP kung saan may habang 84 Meter.