Sunday, August 29, 2021

Pilipinas Kasama sa Gagawa ng Kaunaunahang Lunar Rover ng UAE

Isa na namang kagulat gulat na balita ang muli naming ihahatid sa inyo. Ito ay matapos na ang isang opisyal ng Space Agency mula sa United Arab Emirates at ang Ambassador ng Pilipinas sa naturang bansa, ay nagkaroon ng isang pag-uusap. kung saan sinasabi nga na ang pagtatag po nang dalawang magkabilang panig., ay may ugnayan patungkol sa sinasabing kooperasyon ng pagpapaunlad ng kanya kanyang space program.

Ayon nga sa ating ambassador mula sa Embahada ng Pilipinas sa United Arab Emirates, na si Miss Hjayceelyn Quintana. Ang magkasamang pagtutulungan pagdating nga sa pagpapaunlad ng Space Sector, ay isa lang sa mga marami pang hakbang, para sa pagpapayabong ng mabuting ugnayan ng dalawang bansa. na pinatunayan naman, matapos nga ng markahan nito ang ika 47-taong bilateral na ugnayan ng Pilipinas at UAE.

Ang parehong bansa, ay kapwa naghahangad na maitala sa listahan ng mga bansang kilala, pagdating sa pagpapaunlad na tulad nalang ng space exploration.

Anya, ang pagtutulungan ng pagbuo ng isang Space Sector ay makakatulong upang lumikha ng highly skilled local talent, bumuo ng mga industriya at mapalago ang isang ekonomiya na nakabatay sa kaalaman.

Matapos nga ng nasabing paguusap, inaaasahan naman, na isa nga ang Pilipinas na makaka samang tutulong para sa pag didevelop ng Kauna unahang Lunar Rover ng nasabing Arab Country, kung saan ito ay makarating at inaasahang lalapag sa Buwan sa taong 2022.

Thursday, August 26, 2021

Susunod Na Pinakamalaking Satellite Na Gawang Pinoy Inihahanda Na

Muli, isa na namang kapapasok na balita. Ang Philippine Space Agency o (PhilSA) ay naghahanda para sa paglaunch ng kaunaunahan nitong pinakamalaking satellite na gawa ng pinoy.

Ayon sa ahensya, ito ay tatawaging MULA. o Multispectral Unit for Land Assessment. Anya, ang nasabing pinakabagong Earth-observation satellite, kung saan aabot ng higit kumulang na 

100,000 kilometro kuwadradong kalupaan ang kayang kuhanan ng lente nito araw-araw. bukad dyan, sinasabi rin na ang satellite na gawang pinoy ay may TrueColor camera na kayang ngang makakuha ng 5m resolution images na may malawak na swath width na aabot ng 120 kilometro.

Ang nasabing MULA satellite, ay dinisenyo sa tulong ng Surrey Satellite Technology Ltd (SSTL) isang kilalang kumpanya sa britanya. ito ay may bigat na 100 hanggang 150 Kilogramo.

Sinasabing malaki ang maitutulong ng nasabing satellite sa larangan ng pagmomonitor ang national security, agricultural productivity, disaster, at coastal and ocean studies. 

Anya, kung ikukumpira sa DIWATA 2 sa MULA satellite. Higit na  doble ang bigat at higit na mas malaki at mas maraming payload ang nakabit sa nasabing susunod na pinakamalaking satellite na gawa ring pinoy.

Inaasahan naman na mai dedeploy ang nasabing susunod na Pinakamalaking satellite na gawang pinoy sa susunod na mga taon. 

Tuesday, August 24, 2021

Guided Rocket Na Gawa Sa Pilipinas Pinasilip

Isa na namang kapapasok  na balita. Philippine Air Force pinasilip ang kanilang dinidebelop na Guided Rocket.

Ayon nga sa ating matitinik na tagapagsaliksik. sinasabi na ang guided rocket ay namataan sa Crow Valley Gunnery Range o mas kilala bilang Colonel Ernesto Rabina Air Base. kung saan ang nasabing Guided Rocket ay sinubukang  paliparin sa tulong narin ng R&D Team of Holy Angels University ng Angeles Pampanga.

Anya, ang nasabing proyekto ay nagsimula bilang Research Project ng Unibersidad ng Holy Angel na kung saan ang Philippine Military ay nakuha ang kanilang atensyon, at ng lumaon nga ay magkasama na nilang pinauunlad ang teknolohiya ng nasabing guided rocket. 

Bagamat sa ngayon ay di masasabing ito ay perpekto na at pupwede ng gamitin. sinasabing ang teknolohiya sa paggawa ng nasabing guided rocket ay malaki ang maitutulong sa kinabukasan ng Hukbo ng Pilipinas.

Matapos nga na masilip ang nasabing idinidebelop na guided rocket.Inaasahan naman sa mga darating na buwan o taon ay makakakita na tayo ng mas improve o di kaya  ng finish product ng  Missile o Guided Rocket na kung saan masasabing gawa na sariling atin.

Monday, August 23, 2021

Bagsik Ng BRP Antonio Luna FF151 Lumabas Sa Pagsasanay

Ayon nga sa ating panibagong balita, Lumalabas nga ang Philippine Navy(PN) ay kapansin pansin ang pagbilis ng kakayahan nito pagdating nga sa maritime warfare. Ito nga ay ng matapos makitang kasama ang ilan sa warships at aircraft ng Hukbong dagat ng Pilipinas sa ginawang pagsasanay na kung tawagin ay Southeast Asia Cooperation and Training (SEACAT) 2021. 

Ayon sa ating tagapanaliksik, Ang mga kalahok ay kinabibilangan ng sampung ibat ibang klaseng warships kasama ang higit kumulang na 400 na mga personnel nito mula nga sa bansa sa Southeast Asia. Ang nasabing pagsasanay anya, ay nagnanayong pagbutihin ang kakayahan ng mga nasabing bansa pagdating sa sama samang pagbabantay para sa kasiguruhan ng karagatan at matugunan ang banta dito, na tulad nalang ng piracy, smuggling, at iba pang iligal na gawain sa dagat.

Ayon nga kay Colonel Antonio Mangoroban ng Naval Forces West ng Philippine Navy. Nag simula ang pagsasagawa ng iba't ibang klaseng pagsasanay sa hilagang karagatan ng Palawan hanggang sa silangang baybayin ng Puerto Princesa sa karadagatang bahagi ng Sulu.

Kung saan sinasabing ngang namataang kasama ng ang ilang vessels at aircraft ng Philippine Navy, na tulad nalang ng BRP Nestor Reinoso (PC-380), Agusta Westland (AW) 109 multi-purpose helicopter, Islander aircraft, at ang bago nitong missile-capable frigate na BRP Antonio Luna (FF-151).

Anya, malaki ang naitulong nito, dahil nga, sa tulong ng mga ganitong klaseng kaganapan ay nagagamit ng Hukbong Dagat ang kakayahan nitong makabagong sistema na C4ISR, o kung tawagin ay Command, Control, Communications, Computers, Intelligence, Surveillance at Reconnaissance Operations. At bukod pa riyan napaigting din Philippine Coast Guard (PCG) kasama ang Navy, Ang kanilang surface tracking, aerial surveillance, coastal radar, and automatic identification system (AIS).

Friday, August 20, 2021

Kuta ng Mga Rebeldeng Terorista Di Nakatago Sa Drone Ng Philippine Air Force

Kamakailan lang, isa na namang balita ang kumakalat sa social media. Ito nga ay ng ang makabagong drones na binili ng pilipinas mula pa sa bansang israel. ay nagpakita ng kagalngan pagdating nga sa paghahanap, Matapos nga ng madiskubre mismo nito, ang pinagkukutaan ng mga rebeldeng komunista, sa isang liblib na kagubatan na parte ng Silangan bahagi ng Visayas.

Kung inyong maaalala, ang pilipinas ay bumili ng makabagong drone, bilang parte ng Unmanned Aerial Systems Level 3 Acuisition Project. sa ilalim ng Horizon 2 Revised Armed Forces Of the Philippines Modernization Program. Kung saan tinatayang siyam (9 units) na pirasong Hermes 900 unmanned aerial vehicles, at apat na pirasong(4 units) Hermes 450 medium altitude long endurance unmanned aerial vehicles, kasama ang Ground Control System at iba pang Support Equipment nito, Ang Kumpletong ginagamit ngayon ng 303rd Aerial Reconnaissance Group of the 300th Air Intelligence and Security Wing ng Philippine Air Force.

Ayon nga sa ating nakalap na balita. Malaki Anya, ang naitulong ng nasabing Unamanned Aerial Vehicles sa nasabing Operasyon. Matapos nga ng ito ay magamit bilang mata ng 8th Infantry Division o kilala bilang Storm Troopers Division ng Philippine Army.

Anya, lumalabas na ilang  linggo na palang sinusuyud ng Drone ang ilang parte ng kabundukan sa Silangang bahagi ng Visayas. Kung saan anya, na walang humpay naman ang paglipad nito para obserbahan ang mga rebelde na labas masok nga sa kanilang pinag kukuta sa masukal na kagubatan ng Dolores sa Eastern Samar.

Matapos nga na mapag aralan ang galaw ng kalaban. at dahil nga ang nasabing ang kuta ay napapalibutan ng patibong na bomba. napagdisiyunan ng tagapagpatupad ng nasabing misyon na bago nga pasukin ang kuta, ay bagsakan ito ng precision munitions o Smart bombs, gamit ang FA-50 Fighter Aircraft ng Philippine Air Force.

Matapos nga ang bakbakan, Di ba baba sa labing anim na katawan (16 bodies)ang natagpuan, kung saan labing dalawa (12) dito ay kalalakihan habang apat (4) naman sa mga rebeldeng nasawi ay mga kababaihan. Habang sa panig naman ng kasundaluhan ay wala naulat na nasawi. Sinasabi naman na ilan sa mga ito anya, ay nakikilala bilang high-ranking leaders ng nasabing mga rebelde.

 

Tuesday, August 17, 2021

8 Units Kasama ang 1 Unit na Libreng Shaldag Mark V May Release Order Na!

Isang panibagong balita na naman muli, ang inyo na namang ikatutuwa. Ito ay ng ang isang departamento ay binigyan ng liwanag ang ating pagkuha ng panibagong Asset para sa Philippine Navy.

Ayon sa ating matinik na tagapanaliksik, Anya, ang Fast Attack Interdiction Craft Missile o (FAIC-M) Acquisition Project ng Philippine Navy ay inisyuhan na ng Department of Management ng Special Allotment Release Order o (SARO).

Maaalalang nitong nakaraang adose ng Mayo taong kasalukuyan (May 12, 2021), Naibigay ang Notice of Award sa Kilalang Shipbuilder mula sa Israel na Kung tawagin ay Israel Shipyard. kung kayat sumunod nga nito ay nagkaroon ng pirmahan sa pagitan ng Pilipinas at nasabing Shipbuilder na Israel Shipyard, kung saan Inaasahan walong pirasong Shaldag Mark V patrol craft ang inaasahang gagawin nito, kasama nga dito ang isang pirasong libre, na kung  bibilangin nga ay aabot nga ito ng kabuuang siyam na pirasong Mark V Shaldag na Fast Attack Interdiction Craft.


At matapos nga nito sunod naman na narelease, ang Special Allotment Release Order o (SARO) sa nga ng  Department of Management para nga  mapondohan ang tinatayang sampung bilyon pisong kabuuang halaga ng proyekto. na kung saan ito ay nahahati sa dalawa (2). Ang isa, ay ang pag a-upgrade ng Cavite Naval Shipyard para matugunan requirements para sa pagbuo ng locally made Shaldag Mark V. At ang ikalawa naman, ay para sa acquisition ng missile launching systems at iba pang weapons na ikakabit sa nasabing patrol craft.

Sinasabing ang Apat (4) sa kabuang siyam (9)  na kukuhaning Shaldag Mark V, ay aarmasan ng (N-LOS) o Non Line of Sight Missiles. Habang ang matitira naman, ay malalagyan ng Remote Controlled Weapon Station o (RCWS) kasama na rito ang Machine Guns sa magkabilang gilid ng barko.

Ang nasabing kukuhaning Fast Attack Interdiction Craft na may kabuuang siyam (9 units) na piraso, ay inaasahang makikitang nasa hanay na ng Asset ng Philippine Navy sa mga susunod na buwan.

Monday, August 16, 2021

Dalawang AH-1S Cobra Attack Helicopter at Isang W-3 Sokol Helicopter Namataan sa Pampanga

Kamakailan lang meron isang imahe ang nakuha ang ating tagapag saliksik. Ano kaya ang nasabing imaheng ito, at mukhang isa na namang kapa nabik nabik ang ating malalaman.

Ang nasabing imahe ay namataan mga ilang araw na ang nakakalipas. ayon sa petsa ng nasabing source ito ay nuong Agosto adyis taong kasalukuyan (August 10, 2021). Lumalabas na ang namataang imahe ay kinabibilangan ng tatlong uri rotary-wing aircraft.

Sinasabing ang tatlong helicopter na namataan ay ang dalawang (2 units) Cobra Attack Helicopters at, isang (1 units) W-3 Sokol Combat Utility Helicopter. Naganap ang nasabing kapanabik nabik na imahe sa di malamang lugar sa Pampanga.

Anya, sinasabi nga na ang mga helicopter ay nagmula anya sa Philippine Air Force. di pa rin maikakaila, na baka nga ang dalawang Cobra Helicopter na namataan, ay ang dalawang AH-1S Cobra Attack Helicopter na kasalukuyang nasa pangangalaga ng Philippine Air Force.

Kung Inyong Maaalala, kamakailang lang, nitong Nobyembre a bente sais ng taong 2019 (November 26, 2019), isa nga sa dalawang inaasahang Bell AH-1S Cobra Helicopter ang sakay ng Antonov Cargo Plane ang Lumapag sa Clark Air Base, Lungsod ng Pampanga. Habang ang natitirang isa sa kabuuang dalawang Cobra Attack Helicopter na donasyon ng Bansang Jordan ay makararating naman sa mga susunod pang mga buwan.

Di kaya, marahil, ang pangalawa sa nasabing Cobra Attack Helicopter, ay dumating na pala sa bansa, kung saan, marahil ito nga ang namataan sa nasabing imahe galing sa ating source.

Bagamat wala pang kongkretong kumpirmasyon. ang imahe na namataan sa pampanga, ay di maikakaila na posible nga na ang isa sa kinikilalang most lethal attack helicopters sa mundo, ay mukhang ginagamit na at napapalipad na nga ng ating hukbong pang himpapawid.

Sa Panahong ginagawa ang videong ito. Inaasahan naman  na sana ay magkakaroon pa tayo ng mas marami pang footage ng Bell AH-1S Cobra Helicopter ng Philippine Air Force.  

Saturday, August 14, 2021

Acoustic Decoys at Chaffs na Ilalagay sa Jose Rizal Class Lusot

Kamusta mga kapatid, Isa na namang mabuting balita ang aming ihahandog sa inyo. Kung saan ang balitang ito ay kapapasok pasok lamang.

Ayon sa ating source, Ang Chaff at Acoustic Decoys ng Dalawang Missile Frigate ng Bansa, ay may ilang buwan na palang na iaward sa dalawang kumpanya na kung saan kilala pagdating sa teknolohiyang pang militar.

Kung inyong maaalala, makailang beses na nating itong naibalita, kung saan isa nga sa mga ito, ay ang balitang patungkol sa listahan ng Acquisitions para sa Armaments at Ammunitions ng Jose Rizal Class.

Bagamat ilan nga sa mga ito ay kumpleto ng naideliver, at ang iba naman ay paparating pa lang, Meron namang isang balita, na kung saan, nakalusot na, sa Bidding Process. Kung saan ito nga ang Acoustic Decoys at Chaffs ng Missile Frigate Philippine Navy.

Ang Notice Of Award ng Chaffs, ay naibigay sa Kumpanyang Rheinmetal Denel Munitions na mula pa sa Bansa sa South Africa. Ang kontrata para sa Chaffs ay nagkakahalaga ng tumataginting na Tatlong daan Apat na put  walong milyong piso (PHP348 million) o 6.96 Milyong Dulyar. kung ito ay sa palitan na Singkwenta Pesos kada isang Dulyar. Anya, mas mababa ito ng 2 milyon kumpara sa orihinal na presyo ng kontrata na aabot sa 350 milyong piso.  

Habang ang kontra ng Acoustic Decoys naman ay napunta sa kilalang French Company, na Naval Group. Tinatayang 6.3 milyong Euro (EUR6.3 million)o tumataginting na Tatlong daan Anim na put walong Milyong Piso (PHP348 Million). kung ito ay sa palitang na 58.16 na piso laban sa Euro. Masasabi naman na lubhang mababa ito kumpara sa 450 milyong piso na budget para sa Acoustic Decoys.

Sa ngayon di pa malaman, kung anong modelo ng chaffs at Acoustic Decoys ang bibilhin. Ito ay dahil narin siguro sa kasigurahan na malaman nga, ang mga gagamiting counter measures ng Jose Rizal Class.

Ngunit anya ang posibilidad na mapili na chaffs, ay ang nagngangalang Bullfighter Decoy System, ito ay sa kabila nga ng ito lang ang nag iisang may pinagsamang Radio Frequency (RF) at Infra-Red (IR), Na kung saan kasamang nakalista sa requirements ng Philippine Navy.

Habang ang sa Acoustic Decoys naman na malaki rin ang posibilidad na mapili ay ang CANTO Acoustic Decoy. dahil nga sa ito lang ang nakikitang ina-advertise sa opisyal na Website ng Naval Group.

Inaasahan naman, na matapos nga ng Notice of Award.  makikita natin ng personal ating nabilhing counter measures mula nga sa mga nasabing bans

Friday, August 13, 2021

Brahmos Missile Nga Ba Ang Ilalagay sa Jose Rizal Class?

Panibagong balita na naman ang hatid namin sa inyo. Ito ay matapos nga na ilan sa ating acquisition ng mga ammunition para sa dalawang makabagong Frigate ng bansa ay unti unti ng naidedeliver. Kung saan kasama nga dito ay ang missiles na ikakabit sa Jose Rizal Class. 

Bagamat meron ng listahan ng Schedule ng Pagdating ang mga Missile ammunition na bibilhin. Sa ngayon, di pa rin maidetalye kung ano at kanino ito kukuhanin.

Maaalalang nitong nakaraan. Naibalita natin ang listahan ng Kukuhaning Ammunition para sa Missile Frigate na Jose Rizal Class. Kasama nga dito ang listahan ng Schedule ng Pagdating ng Missiles na gagamitin sa nasabing Warships. 

Isa nga sa mga posibleng pag pipilian ay ang Anti-Ship Missiles SSM 700K C-Star na gawa sa bansang South korea. Habang di naman maikakaila na malaki rin ang maisama sa listahan ang Brahmos supersonic missile.

Bagamat ang pinag uusapang kukuhanin ng pilipinas na missile sa bansang india nitong nakaraang taong 2020. Ay dalawang mobile batteries ang inaasahan na mapupunta sa Philippine Army. Para sa Land-Based Missile System nito. 

Malaki naman ang maitutulong nito kung ang nasabing Missile na gawa sa India ay mailalagay din sa barko. Kaya't di pa rin maiiwasan na posible ngang bukod sa unang napagusapan. Marahil kasama nga sa napagusapan ang Brahmos na Ship Based para na pupwedeng ilagay sa Missile Frigate ng Philippine Navy. 

Matapos nga ng pagkakaroon ng development paras pagkuha ng Missiles. Asahan na sa mga susunod na araw ay magkakaroon na rin ng liwanag kung ano ba talaga ang kukuhaning missile ng Philippine Navy sa Missile Frigate na Warship nito.

Wednesday, August 11, 2021

Panibagong Warships ng Philippine Navy Lumusot Na?

Tulad nga ng ating naibalita nitong nakaraan. na ang Executive Vice President at Director ng Marketing at Sales ng kilalang Shipbuilder na Hyundai Heavy Industries ay namataang dumalaw sa Pangunahing Naval Base ng Philippine Navy.

Makikita na matapos nga na ang pagdalaw na kung saan nagkaroon ng masinsinang pag-uusap, sa pagitan ng kilalang shipbuilder ng bansang South Korea at hukbong sandatahan ng bansa. ay masasabing ayon na rin sa ating naibalita nitung nakaraan, isa sa na pag usapan ay patungkol nga sa ating bagong warships na bibilin.

At ayon nga sa ating panibagong nakalap na balita, isa sa mga pinagpiliin ay ang HDC-3100 na desinyo ng Hyundai Heavy Industries. Ito ay may habang 114 meters,at lapad na 14.8 meters. Kung saan di hamak na mas mahaba at malapad ito sa Jose Rizal Class. Sinasabi ring  ang HDC-3100 ay may 16 vertical launcher system na kung saan kalahati lang nito o walong vertical launcher lang ang meron ang Jose Rizal Class na Missile Frigate ng Navy.

Bagamat may kalakihan nga ito sa kasalukuyang Missile Frigate ng Philippine Navy. halos kapareho naman ng Jose Rizal Class ang subcomponents nito na maikakabit. Marahil ilang nga sa katulad na components ay ang Oto Melara Super Rapid 76 milimeter gun. Anti-Ship Missiles SSM 700K C-Star. at Torpedoes na tulad nalang ng K-745 Blue Shark.

Matapos nga ang paguusap ng HHI at Philippine Navy inaasahan naman na sa katapusan ng taong ito mapipirmahan ang kontrata para sa dalawang warships. kung saan sa dadating naman na taong 2022 hanggang 2023 ang posibleng pagtatapos ng konstraksyon ng mga nasabing bagong kukuhaning warships.

Sunday, August 8, 2021

Mga Missiles at Ammunition ng Jose Rizal Class naka Schedule na ang Pagdating

Isa na namang mabuting balita ang muling ihahatid namin sa inyo. Ito ay ng ang Philippine Navy ay naglabas ng Artikulo patukol sa Procurement ng Ammunition ng Missile Frigate nito sa kanilang opisyal na Pahayagan.

Anya, sinasabing kasama na nakalathala sa artikulo ang missiles ng Jose Rizal Class na bibilhin ng Philippine Navy, kung saan ito ay nahahati sa tatlong klasipikasyon ng Procurement o pagbili. 

Ang una, ay ang Platform na may Launchers, na kung saan ito nakumpleto na, matapos nga ng ang Dalawang Frigate, na BRP Jose Rizal ay dumating nitong July 10, 2020 at ang BRP Antonio Luna na dumating naman ng March 19, 2021.

Ang Ikalawa, ay ang Missiles At Ammunition, ito naman ay nahahati sa Apat (4) na Sub-lots. 

Ang Lot 2A ay ang pagkuha ng Surface to Surface Missiles na inaasahan na darating sa 1st Quarter ng taong 2022.

Ang Lot 2B ay ang procurement ng Surface to Air Missiles na malapit ng dumating matapos nga ng ito ay nakalista sa target completion nitong 4th quarter ng Taong ito (2021) . 

At ang Lot 2C Sublot-1 naman ay ang pagkuha ng 76 milimeter Ammunition kung saan ito ay nakumpleto na matapos dumating nitong January ng taong kasalukuyan (2021).

Habang Ang Lot 2C Sublot-2 ay ang procurement ng 30 milimeter Ammunition na inaasahang makararating sa 2nd Quarter ng taong ito.

Ang Pangatlo at huling klasipikasyon ng pagbili ay ang Torpedoes at Countermeasures. Kung saan ito ay nahahati sa tatlong Sublots. Ang Lot 3A ay ang Torpedoes. Ang Lot 3B ay ang Chaffs. At ang Lot 3C ay ang Acoustic Decoys. Ang nasabing Procurement ng Torpedoes at Countermeasures ay nasa proseso pa ng bidding process. 

Matapos nga ng pagsasapubliko ng nasabing artikulo. Inaasahan na sa mga dadating na panahon, ang mga nakalista sa nasabing artikulo ay maisasakatuparan.

Friday, August 6, 2021

Hepe ng Philippine National Police Sinurpresa ang Maritime Group ng Bagong High Speed Tactical Water Craft


Isang balita na naman ang magpapaganda ng araw nyo. Ito ay matapos nga na ang Hepe ng Philippine National Police ay pinagkalooban ang Maritime Unit ng PNP sa Zamboanga del Sur ng isang High Speed Tactical Water Craft.

Ang nasabing kaganapan ay namataan nitong Augost 2 taong kasalukuyan (2021) sa Zamboanga del Sur. Kung saan Pinangunahan ito ng Hepe ng PNP na walang iba kundi si Police General Guillermo Eleazar.



Ang Blessing at Turn-over ng isang unit ng High Speed Tactical Water Craft ay inaasahang malaki ang maitutulong nito para sugpuin ang anumang banta, sa kapayapaan ng nasabing matubig na kapamayanan. 

Maaalalang minsan naring nakilala ang lugar na pinamumugaran ng masasamang elemento at terrorista.. kung kayat anya, pinaiigting ng kasalukuyang administrasyon ang kasiguruhan ng nasabing lugar.


Anim na Pirasong Helicopters Ang Muling Papasok sa Serbisyon Matapos itong Mabuo Muli

Karagdagang Air Assets, ang nakalinya matapos nga ng muling buhayan ng ating Hukbong Pang Himpapawid ng Pilipinas. 

Matapos nga na muling mabuo ng ating bihasa at magagaling na Technician mula sa Philippine Air Force ang ilan sa ating Air Assets na nakatengga matapos nga ng ito ay dumaan sa matinding hamon ng ibat ibang klaseng misyon sa larangan ng pagtatanggol sa bayan, naging dahilan ng unti unting pagkasira nito.

Kung inyong maaalala, makailang beses narin na grounded ang ating helicopters, na tulad nalang ng Blackhawk at Huey Helicopters, dahil nga sa pagkakasangkot ng mga ito sa aksidente. na kung saan, nag resulta ng pag deklara ng pansamantalang di pagpapalipad sa mga ito. naging dahilan narin ng ating kakulangan ng Helicopter na nasa serbisyo. 

Kung kaya't matapos nga na ang mga nasabing helicopters ay muling mabuhay, inaasahang malaki ang maitutulong nito sa ating kasalukuyang kakulangan ng Helicopters.

Ang mga nasabing Air Assets na muling naayos ay ang sumusunod. tatlong (3) PZL W-3A “Sokol”, dalawang (2) Huey II, at isang (1) Super Huey helicopters. Ang blessing ng mga helicopter ay ginanap naman nakarang nitong August 4, 2021 sa Clark Air Base, Pampanga. 


Thursday, August 5, 2021

Kulang kulang dalawang Dosena ng Huron TC-12B Ang Inaasahan Dadagdag sa Hanay ng Air Assets ng Phil. Navy

Isang Grupo ng Philippine Navy ang namataan na nag iinspeksyon sa isang TC-12B Huron Aircraft. Anya, 21 units ng tulad na eroplano ang nakalinya para sa nasabing  inspeksyon. 

Sa pamumuno ni Rear Admiral Alberto B Carlos ng Philippine Navy. tumulak ang grupo sa US Air Force Aerospace Maintenance and Regeneration Group sa Tucson, Arizona nitong July 18 hanggang 24 ng taong kasalukuyan (2021). Ito ay upang tingnan at alamin kung ang mga eroplano na matagal ng nakatengga sa nasabing base militar ay mapapakinabangan.

At ayon nga sa naging resulta ng inspeksyon, ang 21 units na TC-12B Huron Aircraft ay nakapasa. ito ay matapos nga ng mabubusing pagtutukoy sa mga eroplanong malaki pa ang potensyal na maisalba sa kabila ng matagal nitong pagkakatulog.

Inaasahan naman matapos nga ang Joint Visual Inspection, walo sa nasabing 21 units na Aircraft, ang dadagdag sa imbentaryo ng Air Assets ng Philippine Navy. Kung saan ito ay malaki ang maitutulong sa larangan ng surveillance, medical evacuation, at maging sa passenger at light cargo transport.

Wednesday, August 4, 2021

Mas Malaking Missile Capable Warship Asahan na Dadagdag sa Hanay ng mga Barko ng Philippine Navy

Isang balita kamakailan lang nitong  (August 3, 2021) Agosto ng a tres taong kasalukuyan, ang ika nagulat ng lahat, ng ang isa sa pinakamataas na opisyal ng Hyundai Heavy Industries, ay bumisita mismo sa headquarters ng Philippine Navy.

Kung saan, ito ay pinaunlakan ng Flag Officer In Command ng Philippine Navy, na si Vice Adm. Adeluis Bordado.

Ang nasabing mataas na opisyal ay walang iba, kundi si Mr. Moon Young Park, Executive Vice President ng Hyundai Heavy Industries na kilala, sa pagawa ng barko sa South korea, kung saan ang dalawa sa ating pinaka pipitagang (Jose Rizal Class) Missile Frigate ay duon ginawa.


Ang Courtesy call ng Bise Presidente ng Hyundai Heavy Industries, ay isa lang anya, sa pagkilala na ang nasabing pagawaan ng barko sa South Korea at  maging ang Gobyerno nito, ay patuloy na sumusuporta sa modernisasyon ng Hukbong dagat ng Pilipinas.

Ang nasabing pag uusap ng dalawang panig ay di pa matukoy. Ngunit anya, ito ay patungkol sa panibagong warships na inu offer ng nasabing kilalang gawaan ng barko na HHI.

Kung inyong maaalala, minsan na ring naisama sa listahan, ng Frigate Acquisition ng Philippine Navy, ang mas malaki pang Missile Frigate, na FFX III variant, na gawa din ng Hyundai Heavy Industries. Hindi nga lang ito na aprubahan dahil nga sa mas nauna ng natapos ang evaluation ng Technical Team ng Navy sa mas maliit na Jose Rizal Class.

Ang FFX III Variant ay sinasabing may habang 122 meters, at may lapad na di ba ba ba, sa 14 meters. Ito ay may 16 cells vertical launching system, na higit na mas marami, kesa sa 8 cells lang ng Jose Rizal Class. Sinasabi ring ito ay mas advance kesa sa Incheon class.

Inaasahan naman na matapos nga ang ugnayan ng dalawang panig, ay mabibigyan ng linaw, kung ano nga ba ang pinagusapan ng mga ito. bagamat limitado lang sa ngayon ang ating impormasyon, di pa rin maiwasan maisip, na konektado ang pag uusap, sa panibagong warship acquisition ng navy, kung saan ito nga ay ang mas malaking Missile Capable Warships. na nakaraang inu offer, ng nasabing pagawaan ng barko sa south korea.

Monday, August 2, 2021

Asahan na Ang Pagdating ng Dalawa sa Unang Batch T129 na Kinuha ng Pilipinas sa Turkey

Kamakailan lang naibalita natin ang tungkol sa pag kuha ng T129 Attack helicopter na gawa ng  Turkish Aerospace Industries, kung saan ang nasabing mga helicopter ay nakalusot matapos ngang payagan ng Estados Unidos na iexport sa Pilipinas ang kanilang Engine na gagamitin para sa nasabing attack helicopter.

Sinasabi rin na ilang grupo ng Piloto ng Philippine Air Force ay nag tungo mismo sa bansang pinagbilan ng nasabing Attack Helicopter.upang matutunan ang pag pagpapalipad at familiarization para sa nasabing helicopter.

At dahil nga sa masigasig nating mga piloto halos 90 percent na ng training ang kanilang natapos, at ilang pursyento nalang ay kaya na nilang malipad ang nasabing T129 Attack Helicopters na gawa sa bansang Turkey.

At matapos nga ang mga pagsubok, ang mga piloto ay nakahanda ng makauwi. kung saan, inaasahan naman na sasabay makarating sa bansa ang dalawang sa unang batch na T129 Attack helicopter, sa buwan ng Septyembre taong kasalukuyan (2021).