Matapos na ang Philippine Army, ay nagkaroon ng karagdagang upgraded M113 Armored Personnel Carrier, na kung saan, ito mamamataan na naka display sa isang event.
Sinasabing ang tracked armored vehicle na M113 galing sa bansang Israel, ay kargado ng 120 milimeter mortar system.
Ang nasabing acquisition ay nasa ilalim ng Revised Armed Forces Of The Philippines Modernization Program Horizon Phase 2, kung saan ito ay nasa G2G o Government to Government na pag uusap.
Anya, ang nasabing M113 na bumibilang ng 15 units na kung saan dating gamit ng Israel Defense Force, ay sinalpakan ng 120 milimeter Recoil Mortar Systems, na kung tawagin ay Soltam Cardom.
Tinatayang higit sa (PHP 1 Billion) isang bilyong piso ang kabuuang halaga ng 15 units na nasabing M113A2 APC na may 120 milimeter Soltam Cardom Recoil Mortar Systems, at 5 units naman ng 120 mm conversion barrel para sa pag upgrade ng 81 mm na recoil mortar system, na nagaling din sa dati kontrata mula Elbit Systems pa rin.
Inaaasahan naman, sa mga susunod nating episode, ay makakuha tayo ng malinaw at karagdagang ditalye, para sa schedule ng pagdating ng nasabing Armored Personnel Carrier na may 120mm Soltam Recoil Mortar System.